Dominic’s pov HINDI akalain ni Dominic na babalik ulit siya sa kanyang dating trabaho na matagal niya ng tinalikuran simula nang mamatay ang kanyang asawa. Ang maging isang plastic surgeon. Ibang-iba na ang mukha ni Cindy simula nang retokehin niya ang mukha nito. Napansin niyang nagkaroon ng pag-asa si Cindy sa buhay. Ang dating malungkutin nitong mga mata ay nagkaroon ng buhay. Masaya siya at napasaya niya si Cindy. Malaya na ito mula sa nakaraan na gusto nitong kalimutan. “May naisip ka na bang pangalan?” tanong niya kay Cindy. “Anna Rubella Bautista,” sagot sa kanya ni Cindy. Napangiti siya sa sinabi ni Cindy. “Nice name,” wika niya. “Ipapayos ko sa kakilala ko ang bago mong pangalan para hindi na ma-trace ang dati mong pagkatao. Simula ngayon ay patay na an

