CHAPTER SEVENTY-FIVE

2410 Words

CHAPTER SEVENTY-FIVE Mari’s pov KAPAG TADHANA nga naman ang magbiro ay napapailing ka na lamang. Bakit kailangan pa na sila ang makakita kay Carlos Guevarra? Pwede naman na ibang tao. Alam niyang hindi lamang sila ang nahihirapan sa sitwasyon. Sila ay biktima ng ama nito. Alam niyang nasaktan niya si Carlos nang aminin niya rito ang tungkol sa pagpatay nila sa ama nito pero kailangan niyang maging tapat sa binatilyo. Kalaunan din naman ay malalaman nito ang lahat. Wala naman siyang dahilan para maglihim. Sana lamang ay hindi mali ang pagtanggap niya kay Carlos sa kanilang mga buhay at sana hindi maging hadlang si Carlos sa paggaling ni Tin. Sana ay matanggap din ni Gabriel si Carlos sa kanilang mga buhay. Gusto niyang maisip ni Gab at ng pamilya nito na si Carlos ay walang kasalanan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD