Mari’s pov BUONG biyahe ay tulog siya private plane. Tila siya pagod na pagod dahil sa namagitan sa kanila ni Dominic na wala yatang pahinga. Naubos yata ang kanyang lakas pero ganun pa man ay masaya siya na nakasama niya ulit ang lalaki. Papunta sila sa Batanes kung saan nandoon ang resthouse ni Guevarra. Sumakay sila sa private plane na pag-aari ng kaibigan ni Fred at hinatid sila sa Batanes. Mula Batanes naman ay handa na ang van na kanilang nirentahan. Kung hindi lang talaga handa na ang kanilang plano na umalis ay matutulog siya buong araw pero hinihintay na siya ni Guevarra. Ang katulad nito ay hindi ipinaghihintay. Kung nakaligtas man ito sa sumabog na granada ngayon ay wala na itong kawala sa kanyang gagawin. Kumbaga preliminary pa lang ang ginawa niya kay Guevarra. Alam n

