KABANATA 4

1042 Words
(ANNE POV) May dala pa siyang teddy bear at isang bouquet ng flowers. May nakalapag pang paper bag. Akala siguro ng lalaking ito na madadaan pa rin nya ako sa mga binibigay nitong mga material na bagay. Subalit kahit na ano pa ang ibigay nya ay wala paring kapatawaran ang mga ginawa nito sa buhay ko. Nakatatak na sa puso at isipan ko kung paano nya ako niloko- silang dalawa ng malandi kong kaibigan. I was about to hide ngunit huli na ang lahat. Nakita na niya ako na paparating and so he walked towards me. I don't like it so sinalubong ko na sya at binungangaan ko siya. "Hoy! Ang kapal ng pag mumukha mo na mag punta pa rito after what you have done. Taksil kang lalaki ka at wala kang karapatan na magpunta pa dito dahil as far as I remember ay wala na tayong dalawa. Tinuldukan ko na ang pagsasama natin kasi di ko deserve ng isang manlolokong tulad mo! Get the hell out of here, cheater!" Despite sa sinabi ko ay nanatili siyang bingi bingian sa litanya ko. Manhid na yata ang lalaking ito at ubod pa ng kapal ng mukha! "Mahal, mainit lang yung ulo mo nitong nakaraang araw kaya ko nasabi 'yun pero pwede na natin itong pag usapan ng masinsinan. Nang malamig ang mga ulo natin, para sa kasalanan mo ay wala akong gusto kay Andy. Nilandi nya ako noon at pinilit nya akong makipag relasyon sa kanya sapagkat type daw nya ako. Patawarin mo na ako at balikan, miss na kita Anne. So sorry sa lahat ng mga nagawa ko. We have been together for three years and you know that I love you so much!" I could not control myself anymore kaya isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaliwang pisngi ng manloloko kong boyfriend. He still looked at me and smiled after what I have done. "Seriously speaking, di ko alam kung saan ka nakakuha ng kakapalan ng pagmumukha mo para mag pakita pa rito. At ang topak ko sayo, it will never change. As long as nakikita ko ang pag mumukha mo ay maalala ko ang ginawa n'yong panloloko ni Andy. Again, wala na tayong dalawa, tapos na tayo at wala ka nang babalikan pa. You are the reason kung bakit tayo nagkaganito. So now leave me alone as I want to rest my body." Lumapit pa sya at biglang inilapit ang mukha sakin. Dumistansya ako sa kanya. "Amoy tequila ka ha! Saan ka uminom ha? Di na nag usap na tayong wag kang iinom mag isa sa bar!?" Nagtaas pa sya ng boses at akala nya siguro ay masisindak pa ako sa kanya. "Can you please stop sa pagiging over acting ha? Kelangan ko pa bang ulit ulitin na tapos na tayong dalawa? Break na tayo at gagawin ko kung ano ang gusto ko. So ma guilty ka na ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. And what if mag landi ako sa bar eh single na ako! Single and ready to mingle, alam mo ba may nakasayaw nga akong lalaki kagabi sa bar. Ang pogi nya, wala kang binatbat sa hitsura nya. He is fil-am and too handsome. Mabait pa syang kausap." I am not supposed to say this thing but gusto kong maramdaman ni Clint kung ano ang naramdaman kong sakit the moment na nakita ko sila. It may not be as painful as that dahil di nya kami nahuli sa akto, but I am hoping to inflict pain on him. As I looked at him right now, nakikita ko na yung mga ugat na naglalabasan sa noo nya at tinitiklop nya ang mga labi nya sa pang gagalaiti. This is his face when he is angry, sa aming dalawa ni Clint, mas seloso sya at possessive. "Ah talaga ba ha!? Ituro mo sakin kung nasaan yang lalaking pinag mamalaki mo ha! Ako na ang nagsasabi sayo, matataam ang hinayupak na yan sa pang hihimasok nya sa relasyon natin. Bubugbugin ko sya at babasagin ko ang pag mumukha niya!" "Nakakatawa ka Clint! But you are no longer my boyfriend at wala ka nang karapatan na mag selos pa. Tapos na tayo, I do not want to be with you anymore at bumalik ka na lang kay Andy at dumede ka sa babaeng hitad na yun. Mag sama kayo hanggang sa impyerno!" Paalisin na ako pero hinawakan ako ng ex ko sa aking braso. I looked at him in disgust. "Sige subukan mong maging makulit, I warn you, tatawag ako ng mga guards upang palabasin ka dito. Now, this is the last time na sasabihin ko ito, get out of here at wag ka nang mag papakita pa kahit kelan. Tuldukan na natin ang three years relationship natin dahil sa kasalanan mo!" Ngumisi sya, "Sige Anne, aalis ako dito pero tandaan mo, I am not going to give up on you easily. Gagawin ko ang lahat upang mag kabalikan tayong dalawa. At wag na wag mong ipapakita ang Ivan na sinasabi mo dahil uupakan ko ang lalaking yan ng walang pag aalinlangan." Umalis s'ya sa harapan ko at iniwan nya ang mga dala nyang mga ibibigay sakin. Galit man ako sa kanya but I don't want to throw them away. Especially the teddy bear and the red roses which I both like. Grabe rin kasi ang obsession ko sa mga teddy bear at gabi gabi ay yakap yakap ko ito. Pumasok ako sa loob ng apartment ko dala ang grocery ko at mga dala ni Clint for me. Nilagay ko yung roses sa flower vase ko at binasa ko ng tubig upang maging fresh ulit. Tinapon ko lang yung mga lantang flowers na nilagay ko rito last time na binigay din nya. And the pink teddy bear, nilagay ko ito sa tabi ng kama at niyakap kong maigi. So fluffy and mas masarap pa itong yakapin kesa sa boyfriend ko. Suddenly, nag ring ang phone ko from my bag. Tiningnan ko ang phone ko and I realized na di pala ito ang tumutunog kung di ang iphone noong manyak na si Ivan. Di ako pakialamerang tao ngunit pinakialaman ko ang phone nya. Adam Williams ang tumatawag na name at may picture pa. Malamang ay foreigner din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD