Cuatro

1558 Words
"Inay ayokong sumama!" Luhaang pakiusap ni Nadia sa ina. Hindi na sila natuloy sa Diamond waves kung saang mahaba na ang leeg ng naghihintay na si Carlos. Sa isang kisap mata lang ay ganon kadaling naibente ni Gabina sa nagpakilalang Don Hernan. Niyaya lang naman sila nitong kumain muna sa isang maliit na restaurant ng bayan, 'yun ang pinakasita at pinakasosyal sa lahat kaya nama'y lumaki ang mga mata ni Gabina lalo pa't nakita ang makapal na pera sa wallet nito. Samantalang gustung-gusto na ng may edad na Ginoo na pilipitin ang leeg ng walang pusong si Gabina, mabuti na lamang at nasiraan ang mga ito sa daan kaya nagkaroon siya ng tiyempong lapitan ang mga ito. May nababanaag kasi siyang hindi maganda sa ina ng dalagita, at tama nga ang hinala niya.  Awang-awa siya sa bata nang mag-usap sila ni Gabina, sa halagang isang daan libong piso ay umoo ito ng walang pag-aalinglangan. Dinala niya ito sa kaniyang tinirhan, at doon inabot ang isang bag na may pera. "Tandaan mo hindi ko na siya isasauli sa 'yo. Mula ngayon akin na ang anak mo." Paalala niya kay Gabina. "Oo naman Don Hernan! Sayong-sayo na si Nadia!" Abot hanggang tainga ang ngiti nito habang inaamou-amoy pa ang kumpol-kumpol na pera. "Kahit ilayo niyo pa 'yan sa akin." "Talaga bang wala lang sa'yo kahit ilayo ko ang anak mo?" Hindi maiwasan ang pagtigas ng kaniyang panga. Kuyom ang mga palad pinipilit niyang huwag saktan ang babaeng kaharap. "Oo naman Don Hernan. Kaya ko nga siya binenta sa'yo. Gawin mo na lahat ng nais mong gawin sa kaniya. Ang mahalaga nagkasundo tayo sa bayad." Anito at sinauli ang mga kumpol na pera sa loob ng bag. "Oh siya paano ba 'yan, hindi na ako magtatagal. Iiwan ko na si Nadia, ikaw na ang bahala." Tumayo ito at isinabit ang bag sa balikat. "Maraming salamat sa pera! Ciao!" At nagawa pang mag-flying kiss sa Ginoo. Agad itong umalis sa loob ng kaniyang maliit na opisina at walang lingong nilagpasan ang naghihintay na si Nadia sa labas ng sala. "Inay...teka..." Sumunod si Nadia sa kaniyang at akmang hahawakan ang kamay ng ina subalit agad siyang pinigilan ni Don Hernan sa braso. "S-sandali po y-yung Nanay ko..." Bakas sa mukha ni Nadia ang takot. "Huwag mo na siyang sundan." Mariing utos nito. "Pero Nanay ko po yun..." Pilit niyang makawala sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya. "Pakiusap...yung nanay ko po! Bitiwan niyo po ako!" Patuloy parin ang pagpiksi niya at sa wakas ay nagawa rin niyang tumakbo. "Inay! Inay! huhuhu!" Hinabol niya ang ina. Naabutan niya itong nag-aabang ng masasakyan sa labas ng malaking gate ng bahay. "Inay!" Sigaw niya, tama lang para marinig nito. "Ay pvcha!" Galit siya nitong binalingan at isang malakas na sampal pa ang ibinigay nito sa kaniya na ikinatumba siya sa semento. "Huwag mo nga akong mahabol-habol! Pumasok ka na sa loob. Mula sa araw na ito magkalimutan na tayo Nadia, at isaksak mo diyan sa utak mong bulinao na kailanman ay hindi kita matatanggap bilang anak!" "Huhuhu inay... Huwag po...mahal ko kayo inay...huhuhu! Sasama akong uuwi sa inyo Nay..." Gumapang ito papunta sa mga binti ni Gabina at yumakap dun. "Letse! Puros kadramahan lang alam mo! Hindi ka ba nakakaintindi o sadyang bobo ka talaga katulad ng animal mong ama! Ibinenta na kita kaya pumasok ka na dun sa loob kung ayaw mong saktan kita!"Itinulak siya nito at sinipa, yun ang tagpong naabutan ni Don Hernan kaya hinila niya si Nadia palayo sa ina. "Huwag po! Ayoko po sa inyo! Inay! Huwag niyo kong iwan! Inayyyyyy!!!" ----- Limang araw ang lumipas mula ng ibenta at iwan ni Gabina ang anak na si Nadia sa poder ni Don Hernan. Limang araw na rin siyang tulala at hindi nagsasalita, hanggang ngayon ay paulit-ulit niyang naaalala ang pag-iwan sa kaniya ng ina. Mahigpit rin siyang pinagbawalan ni Don Hernan na huwag lumabas ng bahay, bagamat ay hindi naman siya nito pinagsamantalahan ay natatakot parin siya rito sa kung ano ang gagawin nito sa kaniya. Inalagaan naman siya nito, pinakain at dinamitan at sa huli ay nalaman niyang Don Lorenzo dela Vega. "Iuuwi kita sa aking hacienda, sana naman ay kalimutan mo na ang iyong walang pusong ina." Sabi nito sa kaniya ng umagang iyon habang nag-aalmusal sila sa mahabang mesa ng komedor. Nanitili siyang nakayuko at hindi mapigilan ang pagpatak ng ilang butil ng luha. "Huwag ka nang umiyak, simula sa araw na ito gusto kong tawagin mo akong Papa." Umangat ng tingin si Nadia at pinakatitigan si Don Lorenzo, saan nga ba niya ito nakita? Ibig bang sabihin ay gusto siya nitong maging anak? Kaya ba hindi siya nito nagawan ng masamang bagay na ayaw niya. "A..." Bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na isang salita tila ba may nakabara sa kaniyang lalamunan. Napapitlag siya ng hawakan nito ang kaniyang kamay. "Ako yung taong bumili ng pagkain para sa'yo...ako rin ang bumili ng bagong tsinelas mo. Ilang beses na kitang nakitang sinasaktan ni Gabina." Hinaplos nito ang kaniyang mahabang buhok na para siyang maliit na bata. "Simula sa araw na ito ako na ang magiging magulang mo at walang sinuman ang pwedeng manakit sa'yo." Tuluyan nang napahagulhol ng iyak si Nadia, ngayong lang ulit siya nakaramdam na may kakampi siya. "Siguro kung hindi pa ako dumating at nagkunwari ay siguradong napahamak ka na sa sarili ding kagagawan ng iyong ina." Lumapit ito upang siya'y yakapin. "At pangakong simula sa araw na ito walang sinuman ang pwedeng manakit sa'yo..." ----- Siyam na taong ang nakalipas... Nakangiting inaabangan ni Don Lorenzo ang dalagang ampon niyang si Nadia mula sa terrace ng ikalawang palapag ng Mansiong dela Vega. Mga ganitong oras kasi ang uwian ng dalaga mula sa malaking workshop kung saan gumagawa ng mga samu't saring abubot na mga handy crafts na pinamamahalaan nito, at si Don Lorenzo rin mismo ang nag mamay-ari ng workshop. Bachelor of fine arts ang natapos ni Nadia sa isang malapit na unibersidad mula sa hacienda. Ayaw kasi nitong lumayo at iwan ang kinikilalang ama-amahan sapagkat sa mga nakalipas na taon ay may dinaramdam ang Don. Isa ring sand artist si Nadia at kasalukuyan kumukuha rin ng ilang basic lessons sa photography. Sa siyam na taong nakatira ang dalaga sa poder ng Don ay wala na itong mahihiling pang iba. Naramadaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama kahit pa hindi niya ito kadugo. Binihisan, pinakain, pinag-aralan, binibigay lahat ng Don ang lahat ng kaniyang kailangan, pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi inabuso ni Nadia ang kabaitan nito at nanatiling mapagkumbaba at busilak ang puso. She was greatful all along and she never regreted the day she was bought and adopted by this man. Although, mayroon paring pagkakataong naaalala niya ang kaniyang ina, pero kahit ganun paman ang nangyaring bangungot ay hindi parin niya magawang magtanim ng galit rito. Sa kaibuturan ng kaniyang puso ay humahangad parin siyang makita ito, after all Gabina is still her mother. Kung wala ito ay wala rin siya sa mundong ito, at kung hindi dahil dito ay wala rin siya sa kaniyang kinalalagyan ngayon. "Papa!" Kumaway si Nadia sa ama nang matanaw ito. Kakapasok pa lamang siya sa loob ng napakalaking gate ng dela Vega. Kumaway namang pabalik ang matandang Don. Medyo malayu-layo ang nilakaran ni Nadia mula gate hanggang masion, ilang beses na siyang inalok ng kaniyang amain na bibilhan siya nito ng kotse pero todo tanggi parin niya dito. Para sa kaniya sapat na ang lahat ng binigay ni Don Lorenzo ang iturin siyang parang tunay na anak at paaralin. Hindi niya kailangan ang materyal na mga bagay. "Anak! Medyo late ka ng uwi ngayong araw ah," nakangiting salunbong nito sa dalaga. "Pasensiya na po Papa," anito at hinalikan sa pisngi ang ama, "marami po kasi kaming crafts na tinapos para i-ready bukas. Kailangan na po kasi ng mga clients natin para mahabol ang due date ng pag-export." "Hmmm... Impressing! Ang galin naman ng anak ko!" Ginulo nito ang kaniyang ponytail na buhok. "Siyempre sa'yo ko lang naman na mana ang skills at talent!" "Aba oo! Siyempre naman! Anak kaya kita!" "Teka muna!" Napahinto saglit ang dalaga. "Ay naku Papa yung gamot niyo na pang alas sinco!" Tili niya at dali-daling tumakbo patungo sa malawak na kusina nang mansion ngunit agad din itong napahinto ng takbo nang makita niya ang sandamakmak na pagkain na nakahain sa mahabang mesa. Tila ba may fiestang gaganapin, pero ano ang okasyon? "Oh Nadia andito ka na pala!" Untag ni Aling Petronila nang madatnan siya nitong nakatayo sa tapat ng mesa. "Ay andun nga pala ang gamot ng Papa mo sa loob ng refrigerator," dagdag pa nito nang makalapit sa mesa at nilapag ang malaking pyrex may lamang baked tahong. "Anong meron Aling Pet?" Tanong niya rito. "May darating akong isang espesyal na bisita," sabay silang lumingon ng kasambahay sa taong nagsalita, si Don Lorenzo ang sumagot sa tanong niya. "Bisita?" Kunot-noo niyang tanong. Sa siyam na taong nakatira siya rito ay ngayon lang ata magkakaroon ng espesyal na bisita ang kaniyang ama. "Yes, let's wait for him..." Anito. "He'll probably arrived an hour from now." 'He?' Sa isip-isip ni Nadia, so lalake pala ang bisita ng kaniyang ama. "I think it's best for you kung magpalit ka muna ng damit para pagdating niya ay ipapakilala kita." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD