Palinga-linga si Nadia sa labas, mahirap nang makaharap si Tristan. Oo, sinabi nga niyang kakausapin niya si Tristan pero bukas na ng umaga. Tsk! Mag-uumaga na pala at hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit sobrang pagod sa biyahe. Gusto lang naman niya makita ang sinasabi nitong peace offering na ibinigay sa kaniya. Isang maliit na paperbag ang nakalapag sa sahig sa tapat lang ng doorway ng kanilang silid. Kinuha niya iyon pagkatapos ay muling ni-lock ang pintuan. Umupo siya sa kama at binuksan ang katabing lampshade. Napangiti siya nang mabasa ang nakakabit na note sa paperbag na "I'm sorry." Kung sa ibang babae pa siguro ginawa iyon ni Tristan for sure sa prisinto na ito magpapaliwanag, pero hindi niya iyon gagawin. Para na rin sa yumaong Don na kinilala niyang ama, na siya ring tun

