"Nadia?" Kunot noo nitong usal sa kaniyang pangalan. Mukhang hindi siya nito nakilala at matamang tinitigan ang kaniyang mukha. "Oo, ako 'to." Natatawa niyang tinuro ang sarili. "Hindi mo ako nakikilala? Naka-make-up lang ako at naka-gown, 'di mo na ako mamukhaan?" Kunwari ay nagtatampo niyang sita rito. "No!" Mabilis nitong sabi. "It's not like that..." pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, "...I just can't imagine that you are hiding such beauty. Ang ganda mo..." puno ng admirasiyon ang mga mata nito. "T-thank you..." siya ngayon ang biglang na asiwa sa harapan ng kaibigan binata. "So where's Tristan?" Lumingap-lingap ito sa paligid para hanapin ang kaniyang asawa. "Iniwan ka na naman niya?" "Hindi! Hindi!" Natatawa niyang sabi, "nasa table namin siya. Hinahanap ko

