"Is it okay for us to stay here?" tanong ko kay Cad habang pinakikiramdaman ang malambot na kamang inuupuan ko. Nanatiling nakatitig si Cad sa akin habang nakaupo sa couch. "Oo naman. Sasakalin ko ang magsasabing bawal." Natatawang napailing na lang ako at marahang lumundag lundag sa kama. Hindi ko alam kung makakatulog ako nang ayos dito pero komportable naman. Masyado lang malaki ang kama. Kahit yata magpagulong-gulong ako, okay lang. "Kung hindi ka komportable rito, pwede na tayong umuwi," dagdag pa ni Cad saka inalis ang pagkakabutones ng button down shirt n'ya. "No, it's okay. Pagod na rin tayong pareho," sabi ko na lang saka ibinagsak ang likod ko sa kama. "Gusto mo ikaw na maunang mag-shower o sabay na tayo?" Napabangon ako sa tanong ni Cad. Humablot ako ng isang unan at bin

