"C-Cad..." Tila nawalan na ako ng pakialam sa lahat... sa mga taong pinagtitinginan kami ngayon, sa party ni Zureen, at sa artistang 'yon na inihagis ni Cad. Hindi maalis sa kan'ya ang tingin ko. Hindi ko na rin halos namalayan na nabitiwan ko na pala ang cupcake na hawak ko kanina. Mukhang mas okay na siya ngayon kaysa noong huli kaming nagkita. Hindi na siya maputla, wala na ang bigote at balbas n'ya, tila ba wala na siyang problema. He's just wearing a simple jeans and white fitted shirt that emphasizes his perfect and manly built. He's holding a luggage with his other hand and it looks like he immediately went here and didn't bother to change his clothes. Kahit na gano'n lang ang suot n'ya, litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan n'ya kaysa sa iba. "What the hell--Cadence?" Natigilan

