Kuha Mula sa Camera

1650 Words
May c***k ang isang lens ng salamin na may itim na frame, at ito'y nakalapat sa lupa na para bang naiwan ng may-ari. At ang may-ari nito'y hindi na babalik—pagka't ito na lamang ang tanging naiwan ni Corporal Diazon matapos siyang ma-abduct ng aliens. Isang pares ng military boots ang tumabi sa salamin at isang kamay ang pumulot nito—si Lieutenant Esguerra, at kanyang pinagmasdan ang salamin sa kanyang palad, may lungkot sa mukha, at pride sa mga mata. Nilagay ng tinyente ang salamin sa kanyang breast pocket. Parang nagmistulang crime scene ang lugar—dito kung saan nagtalunan sila mula sa tumatakbong SUV para matakasan ang mga aliens, dito kung saan hinarap ni Corporal Diazon ang UFO at siya'y hinigop ng ilaw nito paitaas. Hindi makapaniwala si Private Torres at mga sundalong sumaklolo sa pagkawala ng corporal. Si Corporal Diazon ay isa sa mga tinuturing nilang modelong sundalo—tapat sa kanyang tungkulin at may angking pagmamahal sa bansa. Isang tunay na brother-in-arms. "A hero," sabi ni Colonel Laxamana. "He sacrificed his life to save us." Sa tabi niya, malungkot na nakatayo sina Andy at Jang-Mi. "Yes," tugon ng Koreana. "He was...very brave." Taimtim ang mukha ni Andy at sa dibdib niya'y nararamdaman niya ang dagok ng kunsiyensya—na siyang dahilan nito, ng lahat. Tulad ng sinabi ng corporal, si Andy ang pakay ng mga aliens. At ngayon, dahil sa kanya'y may taong nabiktima. Tumalikod si Andy habang nagsindi ng sigarilyo, at tahimik na naglakad palayo, umiiwas na makarinig pa ng tungkol sa nangyari. Sa paligid, abala ang mga sundalo sa pag-aaral sa paligid, pagkuha ng mga test samples, pagka't ang UFO ay nag-iwan ng burn residue sa daan. May ilang sundalo ang kinukumpuni ang SUV at sinusubukang paandarin muli, samantalang may isa na ni-recover ang videocam na gamit ni Corporal Diazon. "Sir," sabi ng sundalo at binigay ang videocam kay Lt. Esguerra. "Thank you, soldier," balik ng tinyente at nilapitan niya si Colonel Laxamana para ipakita ang videocam. "Gumagana pa ba?" tanong ng colonel ukol sa videocam. "Yes, sir." "Good, silipin natin pagbalik sa base," tango ni Colonel Laxamana at tumingin sa paligid. "Well, wala na tayong magagawa pa dito, bumalik na muna tayo. Padating na din ang NBI team, i-collate natin ang reports tomorrow morning." "Okay, sir," sabi ni Lt. Esguerra. "At si corporal? Kailangan na ba nating ipaalam sa mga kaanak niya?" Humawak sa balikat ng tinyente ang colonel. "'Yon ang dapat," siryosong sabi ng opisyal. "Pero, hindi natin pwedeng sabihing aliens ang may kagagawan. Hindi pa pwedeng lumabas ito. Give me time to make a decision." Tumango si Lt. Esguerra. Pagkatapos ay nagsisakayan sila sa isang SUV para bumalik sa base habang naiwan pa ang ilang sundalo para bantayan ang paligid. Sa horizon, may mahinang liwanag na paparating sa pagbubukas ng umaga. # Nang makabalik sila sa base ay agad na inatasan ni Colonel Laxamana ang mga sentry na magmatyag mabuti at nilagay ang resort sa red alert—UFO red alert to be precise, kaya't ang tutok ng lahat ay sa kalangitan. "Keep your eyes open at all times!" sigaw ng colonel. Sa ilang oras na natitira bago magbukang-liwayway, sila'y natulog at muling nanaginip si Andy. Nguni't ang panaginip niya'y hindi ng kanyang ama. Hindi rin ng kanyang ina. Kundi'y kadiliman. Napanaginipan ni Andy na nakatayo siya sa isang malawak na patag, at ang paligid niya'y pitch black. Ang nakapagtataka, ay sa kadilimang ito'y kita niya ang kanyang sarili. Bagama't hindi rin niya kita ang kanyang tinatapakan ay ramdam niyang matigas ito, parang simento o bakal, at may mahinang echo tuwing siya'y humahakbang. Ang kisame ay itim din, hindi naaabot, parang walang hangganan. Sumigaw si Andy, nguni't walang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig. Inulit pa niyang pagsigaw na halos lumabas na ang ugat niya sa leeg. At muli, walang tunog na narinig. Maya-maya'y may mahinang ilaw ang nagmula sa itaas at napatingala si Andy. Una'y ga-bola lang ito, nguni't palaki ito nang palaki at paliwanag nang paliwanag. Hindi akalain ni Andy na may ililiwanag pa ito, nguni't meron. Parang beam of light. Parang spotlight. Ito'y tumama sa katauhan ni Andy at siya'y binalot nito. Naramdaman ni Andy ang paninigas ng kanyang mga bisig, ng kanyang leeg, ng kanyang binti, ng kanyang buong katawan tagos sa kanyang mga buto. Tanging ang puso na lamang niya ang tila gumagalaw, ang t***k ang tila tanging may buhay, maging ang mga mata niya'y natutok sa maliwanag na ilaw. Sumibol pa nang husto ang liwanag at si Andy ay nabulag. At siya'y nagising. Humihingal na naupo si Andy sa kama at kanya pang dinarama ang naranasan, ang panaginip. Kung ano ang kahulugan nito'y may ideya na siya. Biglang may kumatok sa pintuan. "Andy?" tawag ni Jang-Mi mula sa labas. "Y-yes, Jang-Mi?" sagot ni Andy. "We go down," sabi ng Koreanang psychic. "It's breakast." Tinignan ni Andy ang kanyang wristwatch na nakapatong sa side table at nakitang umaga na nga. 6:20 AM. Nakasara ang kanyang mga kurtina kung kaya't saglit siyang nawala sa daloy ng oras. "Okay, I will follow!" sigaw ni Andy. "Okay," sabi ni Jang-Mi at narinig ni Andy na naglakad ito palayo. Matapos ang mabilisang shower ay nagbihis si Andy at lumabas ng kuwarto tungo sa baba. Nang makaagahan sila ni Jang-Mi ay agad silang nagtungo sa command room kung saan naroon na sina Colonel Laxamana at Lieutenant Esguerra. At nagulat sila na naroon din ang babaeng reporter at kanyang photographer, at isang may edarang babae na magarang magdamit. # "Paula!" masayang bati ni Andy. "Hello, Andy, kumusta?" sabi ng may edarang babae sabay beso. Si Paula Valdes ang editor-in-chief ng Manila Insider, isang pahayagan sa diyaryo at internet na kilala bilang mahigpit na kritiko ng gobyerno. Ang primerong layunin nila'y i-expose ang mga katiwalian, at siyempre ang mga conspiracies, tulad na lang ng isang mass UFO a*******n. Matagal nang kakilala nina Andy at Colonel Laxamana si Paula at kanila nang nakatrabaho ilang beses. Ilang taon ang tanda ni Andy kay Paula. Early 50s. Bagama't marami nang guhit sa mukha ay kita pa rin ang kagandahan nito. Maputi, mahaba ang buhok. Wari ng mga unang makakita, ay napakaganda nito noong bata pa. Suot niya ay kulay itim na trenchcoat at naka-heels. "Okay naman ako," sagot ni Andy. "Ikaw?" "Okay din, like you," ngiti ni Paula. May konting moment dito, at hindi lang dahil matagal na silang hindi nagkita. May saglit na palitan ng mga tingin sina Andy at Paula na para bang dinapuan sila ng magagandang ala-ala na tinago na lamang nila sa sarili. Naroon din sa kuwarto ang matapang na babaeng reporter at ang kanyang photographer na kanilang na-engkwentro sa checkpoint, at sila'y tinawag ni Paula at ipinakilala kina Andy, Jang-Mi, Colonel Laxamana at Lt. Esguera. "This is Sig our photographer..." Ngumiti ang 20-something na reporter at kinamayan sila. At sa babaeng reporter, pakilala ni Paula: "And this is Roberta, my ace reporter..." sabi ni Paula, at habang kinakamayan nila ay may kasunod pang sinabi, "...and daughter." Nagulat sila. Lalo na si Colonel Laxamana na napadilat pang bigla. "Ha? You mean..." "Yes," confirm ni Paula at ngumiti. "My daughter. Wala ba akong karapatang magkaroon ng anak na kasingganda nito?" Nagblush si Roberta. Matapang siya noon una nilang nakita pero ngayon nakilala na nila'y mabait pala ito at namana ang maraming katangian ng kanyang ina. Ipinakilala naman ni Andy si Jang-Mi at matapos ang introductions ay sinabi sa kanila na naroon si Paula sa request ni Colonel Laxamana. Biro ni Paula na wala sana ang team niya ngayon doon kung hindi lang nakunan ni Sig ng pictures ang mga dumaang mga UFOs sa checkpoint. We got the pictures, ani ni Paula, and you need them. Truth be told, agree ni Colonel Laxamana pagka't magaganda ang nakunang litrato ni Sig na photographer, and besides, may risk na mai-publish ito, kaya't wari ng colonel, mabuti pang makuha ito instead, in exchange of course, sa exclusive na prinomise niya kay Paula. Ang mga nakunang pictures ni Sig ay ang grupo ng flying saucers na lumilipad sa taas ng street lights sa area ng checkpoint. May kuha siya na close up ng isang flying saucer at ito'y kanilang blinow-up sa big screen. "Ladies and gentlemen," announce ni Colonel Laxamana. "Ang nakikita n'yo ngayon ay isang UFO..." Lahat ng tao sa command room ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatutok sa big screen at sila'y namangha. Ang UFO o Unidentified Flying Saucer sa litrato, ay isang traditional na flying saucer—which is disc shape at may estimated diameter na 40 feet at 20 feet in height. May maliwanag na ilaw sa ilalim nito at ilang maliliit na ilaw sa gilid. Sa litrato ay naka-hover ito mga 50 feet from the ground in a 12 degree angle. Sumabog sa loob ang sunod-sunod na mga tanong na naka-direkta kay Colonel Laxamana. "Sir! Anong gamit nitong propulsion? Paano ito nakakalipad?" "Ah...I believe, gravitational force?" sabi ng colonel, hindi siya sure, na-caught off-guard siya. "Ito ba'y scout ship lang? Malamang na may mother ship kung saan ito nagdo-dock?" "Yes, malaki ang posibilidad na may mother ship," salo ni Lt. Esguerra, trying to help. "Anong klaseng materyal gawa ito?" "Malay ko!" inis na sabi ni Colonel Laxamana at wish lang niya na sana naroon pa si Corporal Diazon para sagutin ang mga hinayupak na mga tanong na ito. "Everyone! Quiet! Tigil tayo sa mga tanong," utos ni Lt. Esguerra. "Pinag-aaralan pa lang natin ang UFO." Nanahimik ang lahat at napunta sa sarili nilang mga kuro-kuro at bulungan. "Well, marami pa tayong gagawin," sabi ni Colonel Laxamana kina Andy, Jang-Mi, Lt. Esguerra, Paula, Roberta at Sig. "Lalabas muna ko at baka magka-migraine ako dito." Sinundan nina Andy, Paula, Jang-Mi at Roberta si Colonel Laxamana tungo sa mess hall habang naiwan sa loob ng command room sina Lt. Esguerra at Sig para busisihin pang mga ibang litratong nakuha. Habang nagkakape ay nagbalik-tanaw sina Andy, Paula at Colonel Laxamana sa nakaraan habang masayang nakikinig sina Jang-Mi at Roberta. Mga araw na lumipas—masasaya at kung minsan, may lungkot din, pero sila'y mga ala-ala na hindi maihihiwalay sa tao pagka't parte sila ng buhay. And for awhile, ay nakalimutan nila ang tungkol sa mga aliens at UFOs. Nang bumalik sila sa paksa ng UFOs ay na-realize nila ang peligrong hinaharap nila. At hindi nga nagtagal, pagka't ng kinagabihang iyon ay naglabasan muli ang mga flying saucers at papunta sa kanila. NEXT CHAPTER: "To Arms!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD