“Who were you talking to?” Curious na tanong ko kay Vaughan nang bumalik s'ya sa kusina galing sa pakikipag-usap sa kung sino sa telepono. We were in the middle of our dinner when his phone rang. He looked so frustrated after the call and it was the very first time that I saw him that mad. His aura looked so different na mas gugustuhin ko na lang na manahimik at hintayin na lang s’ya kung kailan n’ya ulit balak magsalita. “My uncle,” sagot n'ya na parang napipilitan lang. Pati ang paraan ng pagkain n'ya ngayon ay kakaiba. Kung kanina ay sarap na sarap s'ya sa pagkain, ngayon ay parang itinutuloy na lang n'ya iyon dahil nahihiya s'yang magtira ng pagkain sa hapag. Maybe the rumors about him and his uncle were true. Nang sabihin sa akin ni Love ang tungkol doon ay hindi ko gaanong inisip n

