“This is not a fried banana!” Mula sa pagkakababad ko sa harapan ng laptop ay agad akong napakislot nang may marinig na nabasag mula sa kusina. Mabilis na hinubad ko ang anti-radiation glasses na suot ko at agad na tumayo patungo sa kusina. It's weekend at isang linggo na mula nang makabalik ako dito sa Paris at sobra akong natambakan ng mga kailangang asikasuhin. Lolo Mavy was planning to retired this year at plano na nila ni Lola na mag-stay sa Pilipinas. Tito Vince and Tita Kylie were against it dahil alam nila na hindi rin makakapagpahinga si Lolo doon kapag nakitang sobrang subsob sa trabaho si Daddy. Hindi n'ya maaatim na manood lang at makitang nahihirapan sa trabaho ang anak. A day before I went back here, kinausap ako ni Daddy na lumipat na sa YM na matigas ko namang tinutulan.

