“You done?” Napakislot ako nang bigla bigla na lang nagsalita si Vaughan sa likuran ko at ipatong ang baba n'ya sa balikat ko. Ang mainit na hininga n'ya ay tumatama sa leeg ko na agad nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko. “M-malapit na. I-piprint ko na lang at ipa-fax ko kay Triton. Bakit? May ipapagawa ka pa ba?” tanong kong nanatili pa rin ang mga mata sa monitor. Itinagilid n'ya ang ulo habang hindi pa rin inaalis ang baba sa balikat ko. Gumalaw ako dahil hindi ako komportable sa posisyon namin. Isa lang ang napansin ko sa kanya nang pumayag akong ‘tulungan’ n’ya ako para agad na makalimutan si Jack. He was touchy. Kapag nalalapit s’ya sa akin ay hindi yata lalampas ang bawat sandali na hindi n’ya ako nahahawakan o di kaya ay sinisikap n’ya parating madikit sa akin which

