Kabanata 2

2052 Words
Nakahiga ako ngayon while scrolling through my f*******:, I saw Emely and Aia's picture together in a mall. Nag-heart react lang ako and I continued to scroll, then sakto nakita ko ang post niya. "You're cute when you're jealous." Ayan lang ang nakalagay pero thousand na ang likes at 500 comments. Srsly, walang sense ganyan karami. I tapped the comment section. They're asking who it was, and some saying na nag-away sila ni Charmaine dahil nagseselos ito. But she commented on that, clarifying the issue. Bakit ba kami naging friends neto? Gusto kong pindutin ang angry reaction pero baka isipin niya na apektado ako. I turned off my cp and put it on my side. Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig. Nasa kusina si Mama at naglilinis. We have our own room, different compared to the helper here. Sabi ni Tita Lina, ay hindi raw kami katulong kaya binigyan niya kami ng sariling kwarto. It's up to us if we want to help or not but Mom insisted, bayad na rin sa pagpapatira niya sa'min. "Bat 'di ka pa natutulog, maaga ka pa bukas ah?" "Matutulog na rin po," sagot ko at saka binaba ang basong ininuman ko. Papasok na sana ako sa loob ng tinawag niya ako ulit. "Sandali lang!" Binuksan niya ng refrigerator at kinuha ang ginawa niya kaninang Graham at inabot sakin. "Bigay mo pala to kay Axel, nakalimutan ko kanina. Paborito niya 'to." Napangiwi ako at kinuha ang inaabot sakin. "Bakit ako na lang lagi, Ma?" reklamo ko. Tiningnan niya lang ako saglit bago nagsalita. "Ikaw lang, anak ko. Sige na, ibigay mo na." Wala na akong choice kung 'di dalhin sa kaniya. Pwede naman siyang bumaba para kumain, pero dahil siya pa lang ang senorito, ay kailangan siyang pagsilbihan. Pupunta na sana ako sa kwarto niya ng may narinig akong nag-uusap sa labas. Lumapit ako at nakita kong kausap niya si Charmaine na hawak-hawak ang dalawang braso niya habang umiiyak. "It's not yet 24 hrs since we've been together? Why are you breaking up with me?" umiiyak na sabi nito. Mariing hinawakan ni Nicholas ang kamay niya at dahan-dahang inalis. "I'm really sorry. This isn't because of you. It's me. You deserve someone better," he said, putting on a dramatic, fake-sad voice. Napaismid ako at hindi mapigilang mapataas ng kilay sa narinig ko. What an A-class jerk! Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa kaniya, atsaka humahagulgol na tumakbo paalis. Isang kawawang babae nanaman ang nabiktima ng manlolokong lalaking ito. Bumaling siya sa'kin, kaya tamad na inabot ko sa kanya ang tupperware at diretsong tumingin sa kanya. Tiningnan niya lang ang hawak ko at hindi umimik. "Grahams, bigay ni Mama," sagot ko. Hindi niya pa rin ito kinukuha sakin at mariin lang akong tiningnan. Napabuntong-hininga ako at inilagay sa dibdib niya. Hinawakan niya ito at nagtanong sakin. "Are you mad?" malumanay niyang tanong. Tumalikod ako ng hindi siya sinasagot. I always been mad at him, kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya pa tinanong. Napahinto ako nang hinawakan niya ang braso ko, kaya napatingin ako sa kaniya. "Bitawan mo ako!" mahinahon ngunit may diin kong sabi. Saglit mo na niya akong tiningnan bago niya ako binitawan. I can't understand him. Why did he ask me if I'm mad at him when in the first place he's the one who's been mad at me? ** I couldn't help but hug myself as I walked toward the classroom; the morning breeze was freezing. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong maraming estudyante ang nagkukumpulan sa may corridor. Anong meron? Sinubukang sumiksik at dumaan dahil halos lahat ay nakadungaw sa bintana ng classroom. Nang sa wakas ay makadaan ako, muli akong lumingon at nakita ko sina Aia at Emely na nakikipag-tsismisan at tulukan din sa maraming estudyante. Anong ginagawa ng dalawang yan dito? Napalingon sa banda ko si Emely at nanlaki ang mata nang nakatingin sa'kin. "Rain!" sigaw nito at excited na lumapit sa'kin. Niyugyog nito ang balikat ko at naghi-hysterical. "O.M.G! You're right, Charmaine and Axel broke up. Nandun siya ngayon sa classroom ni Nicholas at umiiyak. Gosh! I can't believe this!" paypay nito sa sarili. Lumapit din sa'kin si Aia na pareho lang ang reaksyon. "May pag-asa na tayo!" tugon ni Emely kay Aia na parehong magkahawak ang kamay at nagtatatalon. Napatahimik ang lahat nang lumabas si Charmaine na pungas-pungas ang mata, na sinundan naman ni Nicholas. Napatigil ito saglit ng makita ako pero agad ding umalis. Samantalang ang mga estudyanteng nakiki-usyoso ay nagsialisan na. Pumunta na rin kami sa room habang ang dalawa ay wala pa ring tigil sa kwentuhan. It's 6:50 am at 7:00 ang start, kaya may 10 minutes pa kami. Kinuha ko ang ballpen at notebook ko at hinanda. Buong kaklase ko ay walang ibang usapan kung di ang breakup ng dalawa. It's not new since we all know na ganun lagi ang siste. Pero parang naninibago pa rin sila. For sure, another victim—este, another girl nanaman ang popormahan niya. And the cycle continues. Huminto ang lahat sa pagkwekwentuhan nang dumating si Sir at nagsimula na ang klase. ** We are now here at the cafeteria dahil break time na. Kinuha ko ang lunch box ko at binuksan. I prepared na magbaon na lang kaysa bumili para makatipid at hindi na rin pumila. 'Yung dalawa naman ay umo-order pa ng hanggang ngayon ng pagkain. Hinintay ko muna sila at nagpalinganga ng tingin. Napalingon ako sa likuran ko nang tumahimik ang paligid at dumating ang grupo ni Nicholas kasama ang bagong babae. Umupo sila sa may tapat ng mesa namin kaya kita ko siya sa may puwesto ko. Sakto naman na dumating na ang dalawa. Puro bulungan ang maririnig mo sa paligid at mga matang pasimpleng nakiki-usyoso sa lamesa nila. Habang ako, patuloy lang sa pagkain at binabalewala ang nangyayari sa paligid. Kumukuha rin ako ng pagkain sa dalawa na busy sa pagtingin sa harapan. "O.M.G, it was Fatima, kaibigan ni Charm!" gulat na sabi ni Emely. Napatingin ako sa kanila, at sakto namang nagtama ang mga mata namin ni Nicholas. He was looking straight at me while the girl beside him was trying to feed him. I smirk at him at nagpatuloy na lang sa pagkain. Magkaibigan pa talaga yung pinatos niya. Nang matapos ako, napansin kong nakalimutan kong lagyan ng tubig ang tumbler ko, kaya tumayo ako at pumunta sa water dispenser. While I was waiting for it to fill, dumating naman ang grupo nila Charmaine at huminto sa mesa Lahat ay napatigil sa ginagawa nang lumapit ito at sinubukang lapitan ang bago nitong babae. Napakibit-balikat na lang ako at binalewala ang nangyayari sa paligid. Nang mapuno na ang tumbler ko ay uminom ako pero bigla na lang may sumagi sa likuran ko, dahilan para mabasa ang uniporme ko. Napalingon ako at nakita ko si Charmaine na nagmamadaling tumakbo palayo. Hinawakan ko ang basang parte ng uniporme at sinubukan itong punasan ng kamay. Napabuntong-hininga na lang akong bumalik sa puwesto ko. "Oh, anong nangyare sayo?" tanong ni Emely. "Nabunggo ako habang umiinom," sagot ko. Inabutan naman ako ng panyo ni Aia, kaya kinuha ko ito at nagpasalamat. "Tingnan mo si Nicholas, nakatingin sa iyo," sambit ni Emely. Napalingon ako at nakita kong mariin siyang nakatingin sa'kin. Iniwas ko ang tingin ko at hinayaan na lang matuyo ito. Pagkatapos ng recess ay pumunta ako sa CR. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin at lumabas na. Napatigil ako nang makita ko siya na nakasandal sa gilid ng pader na nakaabang. He stretched out his arms to me and handed me the paper bag. I gave him a confused look. Nang hindi ko pa rin kinukuha ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at naglagay. Pagkatapos, umalis siya na walang sinasabi. Tiningnan ko ang binigay niya. It was a set of uniform. Was it new o galing sa mga babae niya? Well, never mind, hindi ko naman 'to kailangan since matutuyo rin naman. No choice kung 'di dalhin sa room. "Rain!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nanlaki ang mata ng makita ko kung sino ito. It was Clayton Ramirez, the student council president. He hurriedly ran to me and the dimple in his both cheeks made an appearance. "I was there in the cafeteria at nakita kong natapunan ka ng tubig. Since I have an extra T-shirt here, I'm thinking of giving this to you... Here!" he offered. Tiningnan ko ang hawak kong paper bag at tumingin sa kaniya. His eyes are pleading me to take it, kaya wala akong nagawa kung hindi kunin. "Nag-abala ka pa, pero sige, salamat." Masaya siyang ngumiti at umalis. No choice kung hindi bumalik sa CR at suotin. Bumalik na ako at umupo sa upuan ko. Agad naman akong dinaluhan ni Emely at umupo sa tabi ko. "Oy, nakita ko yun, pinahiram ka ni Clay ng T-shirt niya. Ayiee... Kinikilig ka, no!" panunuya nito. She knows I have had a little crush on him since first year high school dahil iba siya sa mga lalaking estudyante rito. He is a sweet and nice-looking guy. Aside from that, he is intelligent and a true gentleman. He never played with the girls' feelings. In short, he is my dream guy. "Wala yun, pinahiram niya lang ako dahil nabasa yung uniform ko," tanggi ko pa. "Sige, sige, sabi mo!" pangaasar pa nito. Ngumisi ako at hinayaan ang pang-aasar niya. Dahil kapag tumanggi ako ay lalo niya lang akong aasarin. "Ano to? Did you buy a uniform?" Tanong nito ng tingnan ang paper bag na nasa mesa ko. Oo nga pala't ibinigay ni Nicholas 'to kanina. Hindi naman siguro siya magagalit kapag nakita niyang iba ang sinuot ko at hindi ang binigay niya. Tumango na lang ako bilang sagot, at sakto namang dumating si Ma'am kaya nagsimula na ang klase. Pagkatapos ng lecture, inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Uwian na, kaya halos lahat ay abala sa pag-aayos ng sarili. Nag-aantay naman sa labas si Emely kaya lumabas na kami at pinuntahan siya. "Was it from Clay? Girl! His name is on your back!" Gulat na sabi ni Aia. "Ano ba, tumigil nga kayo! Ang O.A niyo, pinahiram lang 'to, walang ibig sabihin," depensa ko pa. Hindi yata nila ako titigilan sa panunuya nila. I know he's just being nice kaya walang ibang meaning, pero grabe lang ang imahinasyon nila at napunta na sa panliligaw nito. He's just like that to every student, and for sure gagawin niya rin 'to sa iba. Napatigil silang dalawa at sinisiko ang tagiliran ko nang lumapit si Clay sa amin. "Hi! I'm glad na sinuot mo yung damit, it fits in you," nakangiti nitong sabi. "Salamat nga pala ulit. Isasauli ko na lang sa'yo pag nalabhan ko na," nahihiya kong sabi sa kanya. "No worries, I have plenty of that. Sige, alis na kami. See you!" kaway nito, kaya kumaway ako at ngumiti pabalik. "Kyahh!! Ang pogi niya!" tili ni Emely, sabay hampas pa sa balikat ko. Puro asaran lang ang ginawa namin at naghiwalay-hiwalay na kami ng landas. Pinagsisipa-sipa ko ang bato sa paglalakad nang mapahinto ako at makita si Nicholas na nakasandal sa labas ng gate. Gamit ang mapupungay na mata, tumingin siya sa'kin ng mariin, pinasadahan niya ang suot ko. "That's how you hate me? You prefer to wear that dirty shirt than what I gave?" galit at hindi makapaniwala niyang tanong. I was stood for a moment. I can't understand kung bakit siya nagagalit na hindi ko sinuot ang binigay niya. And why is it a big deal for him? "Pwede ba, stop being nonsense. E ano kung itong dirty shirt na 'to ang suot ko? I choose what I wear!" sagot ko sa kaniya. "No, you don't wear it because it was from me!" Humina ang boses niya habang papalapit sa'kin. My eyes fell to his shoulder, afraid to meet his gaze. "You never changed," he murmured, almost in pain. "You still hate me, Rain." I froze, his words echoing inside my head. Slowly, I looked up, his eyes were full of emotion. I thought we were clear from the start that we should hate each other. So what's happening now? What are you doing, Nicholas? And why does it feel like something's changed... inside your heart?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD