Chapter 31

1505 Words
Chapter 31 Znela I called my driver na mauna na siyang umuwi. Terrence told me na ihahatid niya daw ako sa bahay. Sam asked me kung nanliligaw na ba daw siya sa akin. I don't know kung ano ang isasagot. Siguro, oo. Hindi ko alam. Hindi ako sure, isa pa, in case man na manliligaw siya, siya palang unang gagawa nun for me. "Teka, hindi ito ang daan papunta sa bahay!" sabi ko ng mapansin ko na iba ang dinaanan namin. "Sa bahay muna tayo." Sagot niya sa akin "I told Ate na ipagluto ka muna ng mga paborito mo." Kalmado niyang sagot. "How did you know ang mga paborito ko?" I asked him, ngumiti siya. "SNS?" sagot niya sa akin, napailing ako "Bakit ano ba ang mga paborito mo? Bukod sa tinola ng Yaya mo?" natawa ako matapos niyang sabihin iyon, iyon kasi yung nakalagay sa profile ko, well totoo naman talaga yun. "Actually hindi naman ako mapili." Sagot ko. "Pansin ko nga!" sagot naman niya habang nagmamaneho. "What do you mean by that?" I asked him saka pina-ningkitan ng mata "Malakas akong kumain?" "Oy ah! Hindi sa akin galing yan!" mabilis niyang sagot kaya hinampas ko siya. He laughed at me and natatawang sumagot "B-Bakit? Wala naman talaga akong sinabi ah!" "Pero yun ang nasa isip mo!" sagot ko. "How did you know?" ngumisi siya saka tinignan ako "Ikaw lang kaya ang nasa isip ko!" saka niya ako kinindatan. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa mga sinabi niya kaya tumingin na lang ako sa labas. He laughed at me pero di ko na lang siya pinansin, kasi naman lahat ng sasabihin ko meron at meron siyang pang banat! Nakarating kami ng bahay nila. Pangalawang beses palang ulit ako makakapasok dito at hindi talaga nawawala ang paghanga ko doon. Sinalubong kami ni Ate Maria, may bitbit siyang aso habang may tatlo pang naglalaro sa likod niya. Ngumiti ako saka hinawakan iyon "You like dogs din pala?" she asked me, I smiled at her. "I do but didn't have the chance to own one." Pagsasabi ko ng totoo. "Why?" she asked "Mababait sila, they can lessen your stress." Ate Maria said. Ngumiti ako saka hinaplos yung mahabang buhok ng aso na hawak niya. "Mom told me that if I learned to care about other things, mawawalan na ako ng focus sa kung ano talaga ang goal ko. Dogs or cats are not allowed in the house, they annoy mom." Sagot ko, tumingin ako kay Ate Maria "Sabi ni Mommy, yung oras na ibibigay ko daw sa kanila, yun na lang yung oras na idadagdag ko sa mga lessons ko." "Your Mom is a little strict." She commented and we both laughed. Inaya niya ako papunta sa dining area. Wala pa yung kambal pati ang kuya ni Terrence, pare-pareho daw nasa trabaho. "Sana magustuhan mo ang niluto ko." sabi niya at napangiti ako matapos niya akong bigyan ng tinulang manok. "Thank you po." --------- After kumain, niyaya ako ni Ate Maria sa may garden nila, doon binigyan niya ako ng mainit na tea. We were walking around the garden ng bigla siyang nagsalita "Terrence told us na nililigawan ka niya." natigilan ako at biglang nakaramdam ng pagkahiya. "A-Ahh, y-yun po ang sabi niya." sagot ko. "I'm happy!" bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya "Botong-boto ako sa iyo!" sabi pa niya, lalo akong nahiya. "I don't know if you'll still remember our first meeting." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "You were just eight years old back then, just like Terrence." She informed me. "N-Nagkita na po tayo noon?" I asked her, she nodded. "I was in school matapos akong ipatawag ng principal dahil may ginawa si Terrence. I can still remember the reason why, akalain mo bang maglalagay siya ng chewing gum sa buhok isang pretty little girl?" she smiled at me at biglang bumalik sa ala-ala ko yun. "A-Ahh..." "You and I met the first time, you were crying dahil di matanggal ang chewing gum sa buhok mo. I told you yata to cut your hair pero lalo kang umiyak dahil yun palang ang magiging unang beses na puputulan mo ang mahaba mong buhok." "Y-Yes, I can remember na po." Sagot ko matapos maalala iyon. She hasn't aged that much. How did I forget her face? Dahil ba wala akong ginawa noon bukod sa pag-iyak? "I said sorry to you at sa Yaya mo that time pero alam kung hindi maibabalik nun ang buhok mo." She walked and I followed "Who would have thought that the pretty little girl that Terrence bullied before is now standing beside me as the woman of his interest? Nakakatuwa at aaminin ko, by thinking of that, kinikilig ako sa inyong dalawa." Hindi ako nakasagot. Napayuko ako at lalong nahiya. "Don't be hard on him huh?" she asked me "I know he was bully, actually pilyo lang talaga siya, hindi naman talaga siya nananakit ng kapwa, dala ng pagkabata, hindi talaga maiiwasan ang magiging pilyo, but he changed a lot. Lalo na ngayon, I know it is because of you." Lumapit siya saka hinawakan ang kamay ko "Terrence is my baby, hanggang ngayon." Hay! Pero alam niyo po pa na pinagpapantasyahan niya kayo? Na kayo ang first love niya? "Please be good to him." "A-Ahehehe..." I don't know the right words to say. Nilalamon ako ng hiya lalo na sa harap ni Ate Maria. "Alam mo bang nae-excite ako na kinakabahan?" she stated. "Nae-excite ako kasi ngayon lang nagpakilala si Terrence ng babae dito sa bahay, kinakabahan kasi alam kong darating yung araw na tatanda na siya at hindi na siya magiging baby ko. Ganun din yung takot ko para kay Rylle at Rio. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang mga bata palang sila pero ngayon they're going old and they're falling in love." "Terrence is lucky to have you po as his sister." Sagot ko, ngumiti siya. "Thank you." "He is so lucky to have you and all the people around him." I looked away saka mapait na ngumiti "I always told him that I envy him for having these things na kahit kailan hindi ko makukuha." "You don't have to envy him my dear." Ate Maria answered me "If you accepted him, kung ano meron siya, sa iyo na rin. And I will be more than willing to be your sister." Niyakap ko siya matapos niyang sabihin iyon. ----------- "Ang tagal niyo atang nag-usap ni Ate?" tanong ni Terrence ng makapasok na kami ng kotse. He insisted na kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi. "Ang bait ng Ate mo, sobra!" sagot ko sa kanya, he laughed. "She's the best!" sagot niya sa akin, I pouted saka siya tinignan "Why? Sinasabi ko lang naman!" depensa niya. "Don't tell me gusto mo pa siya?" tanong ko. "Ano ka ba? Shempre puppy love palang yun!" sagot niya at di ko mapigilan matawa sa pinagsasabi niya. "Puppy love. Puppy love. Sumbong kita sa Kuya mo eh!" It was a short drive from their home but of all the times, na umuuwi ako, ito lang ang na enjoy ko. Huminto kami sa tapat ng bahay. Nakita ko na nandun ang kotse ni Mommy kaya hindi ako agad bumaba. "Stay here!" sabi ko habang sinisilip yun. "Why?" he asked. "Andyan si Mommy!" sagot ko at biglang kinabahan. "So what?" "Anong so what? Sabi ko naman sa iyo, ayaw ka niyang makita na kasama ako!" "ARAY!" sagot niya sa akin saka nilagay yung kamay sa dibdib niya, hinampas ko siya kaya sabay kaming tumawa. "Hindi naman ako natatakot sa Mommy mo eh! Gusto mo ba ipaalam ko nanliligaw ako sa iyo?" bigla niyang inalis yung seatbelt niya at akmang lalabas ng sasakyan ng hinawakan ko ang dalawang kamay niya at pinigilan ko siya. "Terrence makinig ka nga sa akin!" sita ko sa kanya. "What? Mali ba iyon? I have a pure intention sa iyo at gusto kong malaman nila iyon!" nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "P-Pero hindi ito ang tamang panahon para ipakita mo sa kanila yan!" sagot ko hawak ko parin ang kamay niya "Our family is in chaos right now, ayoko ng mas lalong gumilo, Mom is really impulsive right now kung iinitin natin ang ulo niya baka mas lalong ilayo niya ako sa iyo!" sagot ko. Tinignan niya ako at unti-unting siyang ngumiti. "So, ayaw mong malayo sa akin?" tanong niya at ngumisi. Binitawan ko ang kamay niya pero hinuli niya agad iyon "Kahit naman ako eh, ayaw kong malayo sa iyo." Sabi niya na may halong kalandian sa katawan! Lumayo ako sa kanya at inayos ang buhok matapos makuryente sa mga titig at hawak niya. "Umuwi kana, wag kanang bababa ng kotse!" sabi ko saka binuksan yung pinto. I was about to go out when he held my hand saka nagsalita. "I love you." He whispered at parang huminto ang oras dahil doon. t***k lang ng puso ko ang naririnig ko at parang mabibingi ako dahil sa sobrang lakas. Nanigas ako at hindi ko alam ang sasabihin. "See you tomorrow." At doon niya binitiwan ang kamay ko. Wala sa loob kong tumayo sa labas ng kotse at hinatid na lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalayo. A-Ah. Zee, I love you daw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD