Chapter 23

1734 Words
Chapter 23 Znela I couldn't sleep, I couldn't eat. Naiinis ako kay Terrence, hindi niya ako pinapatulog dahil sa mga sinabi niya. Ilang beses ko na ring tinapik ang mukha ko, kulang na lang nga pagsasampalin ko ang sarili ko eh pero ayaw parin mawala yung pag-iinit na nararamdam ko. Yung parang, kinukuryente ako sa buong katawan, kainis naman oh! I acted normal the next day. Kahit hindi ako tinitigilan ni Sam sa kakatanong kung kami ni Mr. Genius, I acted cool parin. Dumating siya at umupo sa tabi ko. Dumaan ang mga araw, mas lumagkit ang mga titig niya, yung mga pasada niya na hindi ko alam kung kikiligin ako o kikilabutan. "Zee, kayo na ba? Sabihin mo naman sa akin?" pangungulit ni Sam sa akin, kain na siya ng kain pero di parin niya nakakalimutan na kulitin ako. "Ano ba Sam, hindi pa kami!" sagot ko. "Pa? so magiging palang?" tanong niya saka malapad na ngumiti "Ano? Nanliligaw na ba? Wag mo ng paligawin friend, sagutin mo na! Terrence na yan oh!" sagot ni Sam at ang sarap niyang sabunutan. She laughed at me at parang kilig na kilig pa sa mga pinagsasabi niya "So sa akin na si Papa Theo ah!" sabi niya saka tumili pa. "Ayan, yang ang balak mo kaya minamadali mo ako!" sagot ko naman, tinignan niya ako. "Aba hindi no! Talagang bagay lang kayo ni Mr. Genius!" patong pa niya. I shook my head saka pumasok na rin sa room. Magsisimula na ang next subject namin kaya naman nilabas ko na yung notebook ko. Terrence sat beside me. He winked at me saka tinaas taas ang kilay, I shook head. "Ano nanaman?" sabi ko pero ngumiti lang siya, inirapan ko siya saka tinalikuran. Nakakailang kaya yung pinaggagagawa niya! Naglalakad kami ni Sam sa corridor ng biglang may kumausap sa akin na professor "Miss Znela Jimenez?" he asked and I nodded "Yes, finally I met you, I just want to congratulate you and thank you for giving an award to our school!" inabot ko ang kamay niya. "Of course, hindi kami nagkamali na ikaw ang ilaban!" dagdag pa ni Miss Chin "Although alam kong nagkulang ako sa iyo, alam ko naman na ginawa mo lahat ng kaya mo para manalo, and oh of course thanks to Mr. Villaflor also!" sabi niya at napatingin kaming lahat kay Terrence na naglalakad din at may hawak na isang binder, aba buti nagdala siya ng notebook ngayon ah! Himala! "Miss Chin! Mr. Dimaano!" bati niya sa dalawa na kala mo super close niya "What is this all about?" he asked "Ah nothing really, ito lang gusto namin i-congratulate personally si Miss Jimenez for a job well done, of course sa iyo rin Mr. Villaflor, you really did a good job!" Miss Chin replied, ngumiti siya sa kanya na halos mawala na ang mga mata. "Ah, wala yun, magaling lang talaga si Zee!" sabi niya saka ako inakbayan "Kaya proud na proud ako dito eh!" narinig ko ang mahinang tili ni Sam, alam kong pinipigilan pa niya ang sarili niya yan ah! "Di ba Zee?" yuko niya saka kinindatan ako "Perfect kasi yung tandem natin, ikaw at ako..." "A-Ahh!" agad kong inalis ang kamay niya na nakaakbay sa akin, bigla rin akong nahiya sa dalawang professors na nasa harap namin, they both looked at us suspiciously "A-Ahhh A-hehehe..." hindi ko alam ang sasabihin. "Well, we have to go first, sige na baka ma-late kayo!" sabi ni Miss Chin, we were about to take our step ng tinawag niya ulit ako "Ayy wait, Miss Jimenez, Mr. Villaflor, I just want to inform that both of you are candidates para sa special awards na ibibigay sa graduation day niyo, I wish you both all the luck and congratulations in advance..." she said. I was shocked, I was surprised, masaya ako pero agad din namang nabawasan iyon dahil alam ko namang kay Terrence mapupunta iyon, he has been on the top ever since, he deserves it more than I do "You deserve it! I'll nominate you!" napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. "A-Ah, what?" hinawakan ni Sam ang kamay ko at parang nanghihina, ewan ko kung anong nangyayari sa kanya. "Sabi ko, ikaw dapat ang makakuha ng award, you did your best, sa pagkapanalo mo, you put the level of our school one step higher!" sagot niya saka ngumiti. Lumunok ako. "Wag ka ng ngang magpa-humble, di bagay!" pagtataray ko sa kanya, lumakad kami ni Sam, hinihila ako ni Sam pero tinignan ko siya ng masama, she pouted saka bumulong bulong na di ko maintindihan. "Di ako nagpapaka-humble, ito naman, nag-sungit agad!" habol niya sa amin ni Sam "Sinasabi ko lang ang totoo, you should have it, you deserved it more than I do!" natigilan kami ng biglang tumunog ang phone niya. He answered it immediately, nauna na kami ni Sam at wala akong balak na antayin siya. "Ikaw Zee ah, ang hard hard mo kay Terrence!" himutok ni Sam ng makaupo na kami. "Ako pa ang hard?" tanong ko sa kanya na di makapaniwala "Kita mo nga, lakas mang-alaska!" "Alaska? Ano gatas?" she joked, I didn't laugh "Zee, ang bait nung tao oh! Bakit ayaw mong maniwala sa kanya?" "Ako? Maniniwala? Naku Sam sa lahat ng ginawa niyang pam-bubully sa akin noon, walang wala pa sa kalahati ang napapatunayan niya sinseridad sa akin!" sagot ko na lang. Sam shook her head. "Sus, pakipot ka pa, di mo na lang aminin, kinikilig ka sa kanya!" komento pa niya, di ko na lang siya pinansin. "Kunwari pang walang pakialam eh kung makapag-lip gloss para ng walang bukas!" bigla akong namula dahil sa sinabi niya. "SAMMM!" sigaw ko and she laughed hard because of that. ------- "Hey!" bati ni Theo sa akin ng magkita kami sa may freedom park. Inabutan niya ako ng isang cold coffee drink saka umupo sa tabi ko. Sam is not around, may happening ata sa bahay nila kaya hindi na siya pumasok hanggang sa huling subject namin. "How are you? Parang may kakaiba ata ah!" puna ni Theo saka parang nang-aasar na ngumiti "Something happened?" "Anong iba?" tanong ko saka humigop sa binigay niya, umihip ang hangin at natakpan nun ang mukha ko, Theo laughed at me ng nahirapan akong ayusin iyon dahil dumidikit sa straw ng iniinom ko. "Here..." he helped me na ayusin ang buhok ko. Saglit pa siyang natigilan ng dumampi ang palad niya sa may pisngi ko "A-Ahh..." "A-Ahh, thanks!" sabi ko na lang saka umiwas na ng tingin "Sarap ng binili mo!" pag-iiba ko ng usapan. "Ahh, nagustuhan mo ba?" tanong niya, tumango na lang ako saka tumawa saglit. "You look more beautiful today!" puri niya at natigilan ako "In love?" he asked saka sumandal sa puno na nasa likod namin. Hindi ako sumagot "Are you dating Terrence?" bigla niyang tanong, tinignan ko siya. "A-Anong sabi mo?" "I was asking kung nag-de-date kayo..." he seriously asked saka tinignan ako, I saw him gulped at nakita ko sa mga mata niya na nag-aantay siya ng sagot. "N-No..." sagot ko saka tumingin sa malayo "W-We're not..." "Good to know that..." malalim at buo niyang sabi "So okay lang ba na manligaw ako sa iyo?" nanlaki ang mg mata ko at halos mabilaukan dahil sa tinanong niya "Why?" natatawa niyang tanong matapos makita ang reaction ko. "A-Ano bang sinasabi mo Theo?" naiilang kong tanong saka siya tinignan. "May masama ba doon? Do you have a boyfriend?" "W-Wala pero..." natigilan ako "Y-You're my friend..." natigilan siya, napayuko pero tumawa rin pagkatapos "Aray! Is that a no? Basted agad ako?" ewan ko kung nagloloko siya o seryoso, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. "T-Theo, ano kasi, nabibigla lang ako sa sinasabi mo, ikaw? Liligawan mo ako? Bakit?" tanong ko, tumawa siya. "Kasi gusto kita, hindi ba yun naman dapat ang rason?" he asked me, natahimik ulit ako. "Bakit? May nanliligaw ba na iba? Gusto mo ba siya?" "A-Ahh wala..." huminga ako ng malalim saka bumuga rin, I bit my lower lip saka sumagot sa kanya na parang naguguluhan "E-Ewan ko, hindi ko alam, hindi ko rin siya maintindihan, ikaw! Parang ikaw, nabibigla lang ako!" pagsasabi ko ng totoo, he laughed again. "Ano ba Theo?!" hinila ko ang sleeve niya pero tumatawa parin siya "Wag mo na kasi akong lokohin, sige ka di na kita papansinin!" hinawakan niya ang kamay ko saka nilagay yun sa pisngi niya, nanlaki ang mata ko. "Ramdam mo ba?" tanong niya kumunot ang noo ko "Di ba ang init ng mukha ko?" tumango ako, nilagay niya ang kamay ko sa may dibdib niya "Ramdam mo ba? Di ba ang bilis?" tanong niya at napatitig lang ako doon "Ngayon Ela, sa tingin mo, nagbibiro ba ako?" ------- Ang gulo gulo! Bakit ganun? Si Terrence! Si Theo! Bakit sila ganun? Naiinis ako! "HOY!" hampas sa akin ni Sam "Nakabusangot ka?" tanong niya, I looked at her at bigla akong nakaramdam ng pagka-guilty, should I tell her? Hindi! Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang sinabi sa akin ni Theo! "W-Wala..." sagot ko na lang, huminga siya ng malalim saka bumalik sa upuan. "Sabi mo eh..." rinig ko na sabi niya bago tuluyang makalayo. The professor announced the deadline of the submission of the term papers, napanganga ako ng sobrang conflict yun sa mga activities na matagal ng nai-sched. I have to prepare pa yung ilang documents na kailangan ng board para sa evaluation nila para sa special award. Sobrang tambak at sabay sabay ang gawain. Sam approached me "Teh, di ko na kaya ang pinapagawa ng mga prof, akala ata nila yung subject lang nila ang pinapasukan natin!" himutok ni Sam, siniko ko siya dahil baka marinig pa siya nung masungit naming professor. Biglang tumunog ang phone ni Terrence, I obviously heard that dahil nasa tabi ko lang siya, he answered it immediately saka tumingin sa akin "Okay..." rinig kong sabi niya doon saka binaba. "What?" tanong ko "They informed me na kasama tayong dalawa sa two-day seminar..." he informed me, nanlaki ang mata ko. "Kailan daw?" tanong ko. "Two days prior to the submission of the term papers..." he answered me, napanganga ako at nalaglag ang balikat. "Paano ko hahatiin ang sarili ko?" pagdradrama ko na rin, I looked at him na parang kawawa saka nagsalita "Sabihin mo Terrence paano? Paano natin matatapos yang mga pinapagawa nila? Paano na tayo nito?" Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at napangiti pa siya matapos ang sinabi ko. "Tayo?" tanong niya, he bit his lower lip saka tinignan ako ng nakakaloko "Ikaw naman Zee, may tayo na pala, di mo man lang ako inin-form!" napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? A-Ano sabi niya? "LOKO!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD