Chapter 24 Znela It was as if the world stopped rotating. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kanya habang nakalahad ang kamay niya sa akin. Kasabay ng pagtigil ng ikot ng mundo, tumigil din ang pag function ng utak ko. I voluntarily accepted his hand and already found myself at the back of his motorcycle. "Are you sure about this?" Halos pasigaw kong tanong dahil sa lakas ng hangin. Narinig ko ang pagtawa niya bago sumagot. "I've never been this sure in my life Zee!" Lalo akong napayakap sa kanya ng bilisan niya pa ang pagpapatakbo. I can feel his abdominal muscles at amoy na amoy ko rin ang manly perfume niya. Ang sarap sa ilong. Hindi sobrang tapang, sakto lang. Yung tipong gugustuhin mong amoyin buong araw, araw-araw. "Where are we going?" Tanong ko ulit, mabu

