Chapter 22 Zee It keeps on bothering me. Yes, yung sinabi ni Nik sa akin, buong araw akong nasa bahay at hindi lumabas at ni isang segundo hindi naalis sa isip ko yung sinabi niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umikot sa kama. I finally stood up from bed ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I dialed Mom's number pero hindi niya sinasagot, busy siguro sa trabaho, ganun din si Dad. Binuksan ko ang pinto ng kwarto saka naglakad pababa diretso sa kusina para kumuha ng maiinom. "Ya, adyan ba si Nik?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay. "Opo, hindi naman po lumabas ngayong araw." Sagot niya sa akin, tumango ako. "Galit parin ba siya?" tanong ko, tinignan niya ako na nakakunot ang noo. "Hindi ko po alam Ma'am eh." Sagot niya, ngumiti na lang ako saglit. Huminga ako ng ma

