Chapter 18 Znela I was about to close my eyes ng biglang tumunog ang phone ko. Inabot ko iyon at sinagot without looking at my screen. "Hello?" "She won't eat." Merong pag-aalala sa boses niya "What should I do?" agad akong napabangon matapos marinig ang boses ni Terrence. "H-hey!" ulit niya. "A-Ah bakit? Ano bang binigay mo?" tanong ko saka kumunot ang ulo. "Yung dog food niya." sagot niya "Pero ayaw niyang kainin eh. Anong gagawin ko?" may pag-aalala tanong niya "Mommy!" sabi pa niya na kinagulat ko "M-Mommy, sabi ni Shorty." Agad naman niyang dugtong. Inabot ko ang iPad ko saka nag search tungkol sa di pagkain ng puppy. "Dinurog mo ba?" tanong ko "Binabad mo ba muna sa water bago ibigay?" "Ayy binababad ba talaga?" tanong niya at doon ko narinig ang paggalaw-galaw niya. "Ano gi

