Chapter 13
Znela
“I can’t promise to solve all your problems but I can promise, you won’t have to face them alone…” he said habang nakasunod sa akin palabas ng library. “Just let me do it…J-Just-” I opened my mouth and exhaled sa harap niya na may halong pagkairritable. Tinignan ko siya ng mabuti bago sinagot.
“I’m not asking you to help me Terrence! I never asked you to be with me or stand beside me! Alam mo stop pretending! Kilabutan ka nga! Will you please grow up? Tama na ang pambubully Terrence, gawain lang yun ng mga immature and please don’t force me to look at you like that!” wala siyang sinagot sa akin pero this time alam kong natamaan ko ang ego niya sa lahat ng mga sinabi ko.
“You saved me multiple times then thanks for that pero hindi parin mababago nun na naiinis ako at galit ako sa iyo! Don’t ask me kung ano ang dapat gawin para hindi ako magalit sa iyo dahil kahit ako hindi ko alam!” hinawakan ko ng mahigpit ang libro na hawak ko saka siya tinignan ng masama.
“I’m tired of being with an asshole like you! Alam mo sa totoo lang kaya ko namang mag-aral ng mag-isa eh, hindi kita kailangan at papatunayan ko na mananalo ako kahit wala ang tulong mo! I don’t need you and I will never ask for your help! Tandaan mo yan!”
-----
Walang pansinan, walang kibuan. Dumaan ang dalawang araw at ganun parin nangyayari. Pinatawag ako sa office para tanungin ang progress sa pagrereview ko, hindi siya dumating, ako lang na pumunta kaya naman ako lang ang nagreport at tingin ko mas makakabuti na rin iyon.
Mag-lilimang araw na at sobrang haggard na ako sa paghahanda para sa contest. Di na sapat ang tulog ko pati na rin ang pagkain. Double time ako sa pagsagot ng mga problem sets at sa loob ng mga araw na iyon ni isang text wala akong natanggap from Terrence na kahit simpleng mapangungumusta man lang or tip para mapadali ang pag solve sa isang problem, p-pero okay naman yun di ba? Yun naman ang g-gusto ko di ba?
Muntik na akong ma-marked na absent buti na lang sumakto sa pagtawag ng pangalan ko yung prof ng tumatawag siya for attendance. Hingal pa ako at medyo magulo ang buhok ng makapasok ng room at naupo ng assigned chair sa tabi ni Terrence. Parang ang bigat ng ulo ko dahil sobrang daming laman. Tinapos ko kasi yung isang book na reviewer kagabi eh!
Minsan nagkakahulihan kami ng tingin ni Terrence pero ako ang unang bumabawi, nararamdaman ko din na he is trying to talk to me pero hindi ko siya sinasagot or kinikibo man lang. It is better this way, y-yeah I think it is better this way! Lalo lang kasi akong mababaon sa sama ng loob sa kanya, s-sama ng loob na kahit alam kong mali at wala naman siyang kasalanan talaga!
“Finding someone to blame?” naiangat ko ang mukha ko at natigil sa pag-inom sa drinking fountain matapos kong marinig ang sinabi niya “Sige, if that’s what you want!” sabi niya saka maluwang na ngumiti sa akin. “You can blame me for everything! Kung bakit ka ganyan! Kung bakit nagkaganyan ang buhay mo! Kung bakit nagawa ng magulang mo yun! Sige, blame it all to me…”
“Get lost!” sabi ko saka tatalikuran na sana pero hinawakan niya ang braso ko “T-Terrence…”
“It’s okay, just blame it all to me, wag na wag mong kikimkimin…” hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang magkabilang dulo ng mga mata ko matapos akong mapatingin sa mga mata niya “If that’s the only way to make you feel better, okay, go ahead! Get mad at me! I’ll accept it, just please don’t keep to yourself, just please don’t face it alone…”
Yumuko ako at umiwas ng tingin. Ayaw kong makita niya na umiiyak nanaman ako! Binawi ko ang mga braso ko saka naglakad palayo sa kanya. Iniwan ko siya doon na nag-iisa at ramdam ko na nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako palayo sa kanya.
Dear Mr. Genius,
Please stop making me guilty! Please stop making me cry! Please stop asking me to surrender all my worries to you dahil natatakot ako! Natatakot ako gawin iyon! I’m afraid to be with you for longer hours! I’m afraid to sit beside you for more than 2 hours! I’m afraid to speak with you for more than a minute! I’m afraid that…that I might get used to it…
Bakit pa pilit mo akong pinapalapit sa iyo? Bakit ba pilit mong sinasabing pwede kong ibahagi sa iyo lahat ng nararamdaman ko?
Gusto kong magtiwala pero natatakot ako…natatakot ako na isa lang ito sa mga kagaguhan mo at pinaglalaruan mo lang ako! Natatakot ako na baka pag ginawa ko lahat iyon malimot ko lahat ng galit at inis ko sa iyo! Natatakot ako na baka…na baka pagnalimot ko lahat ng inis at galit ko sa iyo, mapalitan yun ng saya.
At kung napalitan na yun ng saya baka…baka…
Tumigil ako sa pagsusulat saka pinikit ang mga mata. Huminga ako ng malalim, ang bigat sa pakiramdam, sobrang bigat sa pakiramdam at gusto ko ng matapos lahat ng ito! Lahat ng problema ko!
Baka mahulog na ako sa iyo…at yun ang pinaka kinatatakutan ko!
“You have to face your fear; anyone who chose to live in fear will stay in the darkness forever!” halos maputol ang paghinga ko dahil sa pagkabigla. Napatingin ako sa nagsalita at mabilis na tinago ang mga gamit ko inside my bag. Umupo siya sa harap ko saka ngumiti ng malapad “Hi!” bati niya.
“You know you don’t do that!” sita ko sa kanya “Looking at someone’s personal stuff is rude!” saka ko siya matalim na tinignan. He smiled wider saka pinatong ang dalawang kamay sa mesa. He looked around bago ako sinagot.
“Sorry pero you have your part din naman, see you don’t do that, writing love letter in the school canteen, library will do, promise, it will release all your emotions kasi tahimik and-“
“Who are you?” putol ko sa pagsasalita niya. Ngumisi siya saka umupo ng maayos, he entwined his fingers saka tinignan akong mabuti. Kumunot ang noo ko matapos akong mapatitig sa mukha niya. He looks familiar pero, I don’t remember kung saan ko siya nakita.
“You don’t remember me, do you?” tanong niya saka hindi makapaniwalang umiling. Tinignan ko siyang mabuti. Ang matangos niyang ilong, ang manipis at namumula niyang mga labi, ang dark black hair niya na halatang ayaw niyang ipagalaw at aaminin ko.
Gwapo siya! Oo, gwapo siya! He is just wearing a black plain shirt na v-neck cut, black din ang color ng G-Shock na suot niya at napatingin rin ako when he put his bag pack sa ibabaw ng mesa.
“I’m sorry? Hindi kita kilala and I don’t want to waste my time to you!” mataray kong sabi saka kinuha ang bag ko pero sa pagtayo ko bigla din niyang hinawakan ang wrist ko “A-Ano-“ natigilan ako ng napagmasdan ko ang mga mata niya at ang malapad niyang pagkakangiti.
“Look at me!” bulong niya pero sapat na para marinig ko “How rude you are ELA!” he finally said and I gasped. Natawa siya sa reaction ng mukha ko at pulang pula ako matapos maalala kung sino siya.
“THEO?” I almost shout, he nodded “OH MY GOD!” napasigaw na talaga ako at tumawa na siya ng malakas. Tumayo siya saka nilahad ang mga kamay, I hugged him tightly and cupped his face. “Grabe hindi kita nakilala! Ang gwa-“
“Ohhh! Say it!” pambubuska niya “Don’t hold yourself!” sabi pa niya at sabay kaming tumawa.
“Okay okay! Ano ang ginawa mo?” tanong ko sa kanya na hindi makapaniwala, napatingin ako sa braso niya at chest na, eerr! Yung muscles! “I mean paano ka naging ganyan!”
“Ouch!” sabi niya saka nilagay ang kamay sa may dibdib “Sakit mo paring magsalita grabe ka! Hindi naman ako pangit noon ah!” saka niya ako nginitian. “Let’s go somewhere private?” tanong niya saka kinindatan. I nodded saka tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
Binitbit niya ang bag ko at ilang libro habang dahan-dahan kaming naglalakad sa labas ng building, mahangin kaya naman yung mga bulaklak sa puno nalalaglag “Oops!” tigil niya saka tumawa matapos tanggalin ang nahulog na bulaklak sa buhok ko.
“Thank you!” sabi ko matapos niyang iabot sa akin iyon “Kailan ka pa nakabalik?” tanong ko.
“Last week!” sagot niya
“Are you staying here for good?”
“I am!” sagot niya
“What is your program?”
“Just like yours pero irregular na ako eh at iba-iba ang sections ko so, I doubt kung magkakaroon tayo ng same section…” I just nodded at him matapos niyang sumagot.
Theo Salazar, same age like me at isa siya sa mga pinaka mabait na taong nakilala ko. Mabait siya! Super bait! Theo’s family owns a renowned law firm at pag sinabi mong law firm sila at sila ang nasa top list! Naging magkaibigan kami dahil kapitbahay namin sila noon. Lagi kaming naglalaro at kahit na never kaming pumasok sa the same school nung early days super close kami.
Lagi akong ihahatid ni yaya sa playground at kasama naman niya yung yaya niya that time. Maglalaro kami doon maghapon! Super bffs kami noon lalo na before siya umalis para tumira sa US kasama ang pamilya niya. Naalala ko noon na sobra akong umiyak nung sinabi niyang magmama-migrate na sila doon at matatagalan siya sa pagbalik.
“We were just eight years old back then, right?” he suddenly asked me, napatingin ako sa kanya “I left you that time, I was so guilty…”
“Guilty? Kailangan mo naman sumama sa family mo ah!” sagot ko saka tumingin sa malayo. Napalunok ako ng magbunggoan ang braso namin at para akong nakaramdam ng pagkailang.
“Naramdaman mo?” bigla niyang tanong saka ngumiti.
“Alin?” balik tanong ko.
“Yung sparks?” sabi niya sabay tawa. Hinampas ko siya “I was just joking! Alam ko naman na I’m too late…” bigla niyang sabi na may seryosong tono na “Who is he by the way?” tumigil kami sa paglalakad matapos niya akong tanungin bigla about doon.
“Forget a-about it…” sagot ko saka siya tinignan “It was nothing…” tinaas niya ang balikat niya as a sign of surrender. Naglakad kami ulit at huminga ako ng malalim, tumawa siya hindi ko na lang siya pinansin.
“Ela…” tawag niya sa akin.
“Zee, it’s Zee, they call me Zee here…” sabi at kumunot ang noo niya.
“Ohh? Really, then give me time to absorb that!” sagot niya sa akin saka ako inakbayan at nilapit ang mukha niya sa mukha ko “Tell me, marami bang chics dito?” and I shook my head matapos ang tanong niya
“Marami…” sagot ko saka ngumiti rin “Magsasawa ka!” he nodded and we continued walking habang nakaakbay siya sa akin. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon at parang namiss ko talaga siya, grabe ilang taon kaming hindi nagkita at nagkaroon ng communication pero ngayon..ngayong nagkita kami ulit parang bumalik lang ang dati, yung friendship, yung memories, lahat yun bumalik bigla.
“Sakto dating mo ah!” bulong ko at alam kong narinig niya iyon.
“Got problems?” he asked habang nakatingin lang sa harap namin.
“Sobra…” sagot ko
“Then consider it done, super Theo is here!” sabi niya saka pinisil ang pisngi ko. We both laughed at sabay kaming napatingin sa harap. Napalunok ako at dahan-dahan niya rin inalis ang kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin. “Don’t tell me dito ka nag-aaral?” kausap ni Theo sa kanya. Bigla akong kinabahan.
Theo smiled at him and he smiled back habang nakatingin parin sa akin. “Y-You know him?” tanong ko kay Theo and he nodded.
“Who doesn’t know him?” sagot niya saka naglakad palapit kay Terrence at naki pagkamayan “Long time no see, MR. GENIUS!”