Chapter 14 Znela I was in a hurry, I stayed until 2 AM kasi kaka review dahil meron kaming exam ngayon but speaking of being lucky today, halos bali-baliktarin ko na yung bag ko hindi ko parin makita ang ID ko tapos kanina na naidlip ako, biglang bumilis ang oras mabuti na lang ginising ako ni Mommy kundi ma-la-late na ako ng sobra. "What's wrong?" tanong ni Theo sa akin, dalawang beses niyang inulit pero hindi ko siya sinagot. "Hey!" tinignan ko siya at saglit lang na nginitian. Nagpilit kasi siya na ihatid ako ngayon since almost a week na kasi kaming hindi nagkikita, swerte pa kung magkakausap kami sa phone. Busy siya at busy rin ako at feeling ko hindi pa rin kami sobrang okay after the last time. Kung hindi nga niya ako naabutan sa bahay at kung normal na oras ako umaalis, malama

