Chapter 16

1715 Words
Chapter 16 Znela "Ano ba?" I glared at him matapos akong mapuno sa malalagkit niyang titig. Nabwibwiset ako kasi wala na siyang ginawa maghapon kundi tignan ako mula sa gilid na may patawa-tawa pa, nakakaasar lang di ba? "Hindi ka ba titigil?" tanong ko saka binagsak ang pen sa mesa. "SHHH!" sita niya sa akin sabay turo ng 'SILENCE PLEASE' na nakadikit sa wall ng library. Ngumiti siya saka nagtalumbaba ulit at bumalik sa pagtitig sa akin. I rolled my eyes and sighed saka umiling na lang. Natapos ko na ang mga pinapagawa niya sa akin pero hindi pa niya tinuturo yung sa may pinakamahirap na part. "Ituturo mo na sa akin ito o uuwi na ako?" tanong ko sa kanya, umayos siya ng upo saka nagsalita. "Rule number 1 bawal magsungit!" rinig kong sabi niya at tinignan ko siya ng matalim "Ohh tignan mo!" sabi niya pa saka umiling. "Sabi ko kasi ituro mo na!" "Rule number 2 bawal ang bossy, ako ang boss dito!" sabi niya saka kinuha ang reviewers ko "Ako lang kayang makasagot dito, remember? O baka gusto magpaturo kay Theo?" sabay tawa niya ng nakakainsulto. "Mayabang!" sagot ko na lang saka siya inirapan. "Hay, you should update your vocabulary. Iba ang pag yayabang, sa simply stating facts." He scratch his cheek bago ulit nagsalita. "Isa pa, rule number 3, sabi ko sumunod ka sa mga gusto ko hindi yung ako ang susunod sa mga gusto mo, aba hindi mo pa ako asawa gusto mo i-under de saya mo na ako?" turing niya, nanlaki ang mata ko matapos niyang sinabi iyon, biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa pang-aasar niya. "ANO BA?!" sigaw ko at bigla rin akong natahimik matapos mag 'SHHH!' ang mga estudyante sa loob. I bit my lower lip saka pumikit at sinubukang pakalmahin ang sarili "Fine...Fine..." paulit ulit kong sabi sa sarili ko "You need him Znela, you need him, tiis lang...tiis lang..." "That's right!" sagot niya saka pa ako pin-at sa balikat "You need me baby!" saka siya ngumisi. AHHHH! Ang taas taas ng sungay ng lalaking ito ah! Abot sa na sa ceiling, sagad na sa buto ang kasamaan niya! BULLY! SOBRANG BULLY! "Eat out with me!" bigla niyang aya saka tumayo, kumunot ang noo ko saka tumingin sa kanya. "Eat? Kakain nanaman? Hindi pa tayo tapos dito!" sagot ko sa kanya pero patuloy niyang nililigpit ang gamit ko "Oi!" "Hay naku, kung ikaw kayang magpagutom ako hindi, pwede ba?" sabi niya saka nauna nang naglakad, hindi ako gumalaw kaya lumingon siya saka naglakad ulit "Do I need to repeat my rules?" I rolled my eyes saka mabigat sa kaloobang naglakad kasama niya. Kinuha niya ang bag ko sa may baggage counter saka binitbit iyon. Wala siyang bag, kelan ba siya nagdala? Naglakad kami hanggang sa makalabas ng library, doon naka-park sa labas ang DUCATI BIKE niya. He handed me his helmet saka pinasuot sa akin iyon, meron din siyang para sa kanya na nakasabit lang din sa handle ng side motor. Sinuot niya ang black leather jacket niya bago ang helmet. Inalalayan niya akong makasakay sa likod niya saka ko siya narinig magsalita "Kumapit kang mabuti huh!" "Huh?" masungit kong tanong sa kanya kahit na narinig ko naman. "Sabi ko kumapit kang mabuti baka mahulog ka sa akin, sige ka!" sabi niya at nakita ko ang pagtawa ng mga mata niya bago niya tuluyang ibinaba ang wind shield ng helmet. Malakas kong hinampas ang likod niya bilang sagot sa pang-aasar niya, narinig ko ang pagtawa niya ng malakas sabay nun ang paghuli niya ng kamay ko sabay utos na kumapit nga ng mahigpit sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero may kalayuan sa school. I rested my whole body comfortably habang nakayakap sa kanya. I'm not sure kung pabango nga ba talaga niya yung naaamoy ko ngayon or it's all in my mind. Alam mo yung times na sobrang alam mo na kung ano ang isang bagay, makita mo lang alam mo na ang lasa or amoy. Parang sa tao lang, kung kilala mo na ang isang tao, makita mo lang din siya alam mo na ang amoy niya or parang naririnig mo na ang boses niya pag binabasa mo yung texts or chats niya. Yung ganung feeling. Sobrang familiar. I'm not sure kung naaamoy ko nga ang pabango niya kahit nakasuot ako ng helmet at malakas ang hangin or talagang familiar na ako sa amoy niya na parang naka register na iyon sa sensory nerves ko. Huminto kami sa isang shop. Una akong bumaba habang inaalalayan niya ang kamay ko. Tinanggal niyang helmet niya saka sinuklay ang buhok gamit ang kamay at mabilis ring tumingin sa side mirror ng motor niya. Inalis ko ang helmet ko saka inabot sa kanya, tumingin siya sa akin saka tumawa. "Bakit?" tanong ko, umiling siya. Kinuha niya ang helmet saka ni-lock yun sa may motor, inabot niya sa akin saglit ang bag saka binawi rin agad matapos tanggalin ang jacket. "Tara?" tanong niya, hindi ako sumagot, una akong naglakad papasok sana ng shop ng bigla niyang hinawakan ang wrist ko saka ako iniharap sa kanya. "A-Ano-" natigilan ako ng bigla siyang lumapit habang nakangiti sa akin. Inangat niya ang kamay niya saka sinuklay ang buhok ko gamot nun. He even intact my loose hairs sa likod ng tenga ko bago nagsalita. "There!" sabi niya saka ngumiti sa akin. "HAHA! You're blushing!" biglang niyang sabi na lalong nagpapula sa mukha ko. "H-HINDI AH!" sigaw ko sa kanya sabay iwas ng mukha. He was laughing so hard at sobrang nakakainsulto na talaga! Hindi ako makagalaw at sobrang init ng mukha ko dahil sa mga pinaggagagawa niya! "Okay lang yan, mas maganda ka pag namumula!" bulong niya sa akin habang nakatalikod ako sa kanya, my heart almost jumped out of my system, loko tong lalaking ito ah! "Tara na!" aya niya saka ako hinawakan sa may siko. Para pa akong nakuryente matapos niyang gawin iyon "Naks, may sparks na tayo ah, Improving!" pang-aasar pa niya at wala na akong nagawa kundi yumuko na lang hanggang sa makahanap kami ng upuan. He ordered two Frappuccino and two slices of blueberry cheesecake. Nilabas niya ang book at reviewers and calculator and started to solve the problems na kanina ko pa pinapaturo sa kanya. I was watching him habang umiinom at parang wala lang sa kanya ang pinagso-solve niya. "Sure ka ba dyan?" tanong ko saka tinignan siyang mabuti "Baka naman pinaglololoko mo na ako ah, palibhasa alam mo na hindi ko alam yan!" "Bakit kita lolokohin?" tanong niya saka inangat ang tingin at sinalubong ang tingin ko "Kahit kailan, hindi kita lolokohin..." saka niya ako binigyan ng nakakalokong ngiti. I opened my mouth saka inabot ang libro and tried to hit him pero mabilis siyang nakaiwas. He laughed at me saka nagsalita "See? Just relax okay? Trust me, magaling ako dito!" he assured and continued solving. Natapos niya yun agad. Pinaliwanag niya iyon sa akin at yes, I must say magaling siyang magturo, mas magaling pa sa mga prof na halos walang makaintindi sa mga pinagsasabi dahil sobrang galing na nila pero si Terrence yung tipo ng pagtuturo niya yung kaya ng level ng estudyante, yung kaya siyang intindihin, yung kaya siyang abutin. And he is making sure na naiintindihan ko siya. It feels like he is finding ways to explain it to me in the most simple way possible pag di ko talaga maintindihan. Even an average student like Sam will get it easily pag siya ang nagturo. "Now solve this..." sabay turo niya sa new question na ginawa. Sinunod ko and I followed his instructions. "And the other one without looking at the notes!" he strictly said at sumunod na lang ako. Ilang minuto pa ang lumipas at tumunog ang phone ko. Agad ko iyong tinignan at nakita ko ang message ni Theo. "Tell him you're busy!" napatingin ako sa kanya. "You don't have to tell me that!" sagot ko saka siya tinaasan ng kilay, I replied at Theo immediately after refusing his offer na lumabas naman kami. "Are you t-two dating?" he suddenly asked na kinabigla ko. "What?" I asked him. "Impaired? Deaf?" balik tanong niya, I rolled my eyes on him. "What's good about him?" he asked again. "He's a gentleman, kind, caring and a handsome guy!" sagot ko habang nakatutok ang tingin sa papel. "Sus! Parang ako hindi!" bulong niya pero rinig ko. I glared at him. "And he is not rude! He is not a bully! He is not a manipulator and he is not you!" mataray kong sabi, natahimik siya "May tanong ka pa?" "You like him?" biglang tanong niya that caught me off guard, hindi ako nakasagot. I looked away. Ilang minutes rin ang lumipas at nilalapa kami ng awkwardness matapos ang tanong niya. Hindi rin ako maka-concentrate sa mga pinag-aaralan ko. Hindi ako nakatiis and I broke the silence between us. "N-Next week na ang contest, will you be there?" I asked him pero hindi tumitingin. "Do you want me to be there?" tanong niya at napatingin ako sa kanya. Seryoso na ang mukha niya sa pagtanong at binigyan niya ako ng titig na parang nag-aantay ng sagot. "Y-Yes..." I honestly answered him "Ikaw n-na rin ang nagsabi, I n-need you..." halos pabulong ko ng sagot. "Will Theo be there?" he suddenly asked again, kumunot ang noo ko "I...ah I was just asking, shempre di ba, support team, with Sam..." pahabol pa niya. "You know Sam?" tanong ko "I mean you know her name?" "Of course I do!" sagot niya. "Then you should know my name too!" sagot ko naman. "I know your name..." he plainly answered me. "Yes, you really should and I want to make it clear, hindi seatmate or classmate ang name ko, gets mo?" "A-Ahh yeah!" sagot niya saka sumandal sa upuan saka ipinatong ang dalawang kamay sa mesa at pinaglaruan ang mga daliri, napatingin ako doon "I just prefer calling you seatmate..." he added. "Whatever!" sagot ko saka bumalik sa pag-aaral. Minutes passed at naging busy siya sa pagpipindot sa phone niya. He was even laughing silently bago siya nagsalita sabay nun ng pagtunog ng messenger ko. "Ang cute mo naman sa chat head!" sabi niya kaya inangat ko agad ang tingin ko, ngumiti ako saka sumagot sa kanya. "Don't state the obvious, Mister!". Tumawa siya saka tumingin sa akin "Yeah, super cute, muntik ka nang hindi magkasya!" "TERRENCEEEEEEEEEEEEEE!" Author's Note: Ah. I guess I wrote this nung meron pang chat head ang messenger app for iOS users. Gold old days.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD