Chapter 2
Znela
Dear Mr. Genius,
Your images almost ate up all the memory of my phone, ang kapal ng mukha mo rin eh no? Di porket may mukha kang pwedeng ipagmayabang eh pupunuin mo na ng litrato mo ang phone ko! Anyways, gusto ko lang sabihin sa iyo na mataas ako sa quiz natin ngayon, di mo kasi naabutan yun, surprise quiz kasi and as usual, one hour and thirty minutes ka nanamang late!
Seriously, kung ayaw mong mag-aral wag ka ng pumasok hindi yung titigil ang discussion pag darating kana, lagi ka namang nakikita pero bakit araw-araw nagtitilian ang mga babae dito, saka kailangan mo ba talagang kumaway sa kanila? Ngumiti at mag pacute? Ayyy! Grabe ka! Grabe ka! Maawa ka sa kanila!
Saka nga pala-
“ZEEEE!” napatingin ako sa tumawag sa akin, agad kong pinasok sa bag ang papel na sinusulatan ko, I stood up saka agad na napahawak sa desk matapos mahilo at biglang sumakit ang ulo “Are you alright?” Sam asked me at pilit akong ngumiti.
“Oo naman, nabigla lang ako sa pagtayo!” sagot ko sa kanya saka nilabas ang gamot ko, I took one tablet and I know the pain will go away later “Bakit napasugod ka?” tanong ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko saka agad akong hinila palabas ng room, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kompolan ng mga babae at ilang mga estudyante, may bi-nubully nanaman, who is it, this time?
“Nakita ata ni Lea na sinusundan niya si Terrence…” bulong sa akin ni Sam “Kaya ayan, ipapahiya nanaman niya!” I shook my head, Lea Perez is always like this, kung makaarte kala niya sa kanya sa Terrence eh minsan lang naman niya nakausap ang mayabang na iyon eh, halos liparin na ang kaluluwa niya sa impyerno sa sobrang kilig!
“Sino ka ba sa tingin mo?” pagtataray ni Lea sa babae, tingin ko nasa lower siya, bata pa kasing tignan
“Ang landi landi mo rin eh, saka ano ito?” sabay hablot sa hawak ng babae “Ibibigay mo sa kanya? Tingin mo mapapansin ka niya? Ke pangit mo kaya!” sigaw niya sa babae na umiiyak na.
“Tsk.tsk.tsk!” rinig kong bulong ni Sam, napatingin ako sa kanya “Bakit sino ba siya sa akala niya? Kawawa naman yung bata…” Sam was about to take a step para pigilan si Lea pero hinawakan ko siya sa braso.
“No you don’t, pag nalaman ng Mommy mo makikipag-away ka dito sa school, Sam, lagas ang card limit mo!” I warned her saka ko nakita ang paglunok niya.
“Nakakainis kasi siya eh…” sagot niya at nabigla kaming lahat ng may humintong motor sa harap ng kompolan, ayy sila lang pala ang nabigla kasi ako expected ko na nalalabas ang mahangin na ito anytime soon at ito na nga siya!
“Hey girls!” bati niya sa mga nakangangang babae, he brushed his messy hair saka ngumiti, ang mga malalandi kala mo nakakita ng artista! “What’s happening here?” tanong niya saka tumingin sa akin, I raised my eyebrow, ngumisi siya saka tumingin sa babaeng umiiyak, he kneeled down saka inangat ang mukha ng babae, I heard the crowd gasped “What happened? What did they do to you?” he asked the girl.
“K-Kasi…K-Kasi gusto ko lang sanang ibigay sa iyo yun!” turo ng umiiyak na babae sa hawak ni Lea, tumingin si Terrence kay Lea saka kinuha ang maliit na box.
“You did it for me?” tanong ni Terrence habang nakangiti, he opened the box at nakita ng lahat ang maliit na cupcakes sa loob nun “Thanks!” nakita ko ang pag twinkle twinkle ng mata nung bata, actually baka di na bata, baka freshman lang kaya bata tignan, naka college uniform naman siya eh.
“T-Terrence!” nauutal na sabi ni Lea na habang napapahiya “B-Bakit mo kinukuha yan, baka kung anong nilagay niya dyan!” tumayo si Terrence saka tinignan si Lea.
“Kung galing sa iyo baka mas hindi ko pa kunin!” sagot niya saka ngumiti, He took a bite from the cupcake he received saka tinulungang makatayo yung babae, ginulo niya ang buhok niya saka yumuko, matangkad kasi ang mahangin eh! “Thanks, masarap ah, make more for me huh!” saka niya kinindatan, nakita ko ang malapad na ngiti ng babae, I shook my head, may babae nanaman siyang pinaasa.
Tumalikod ako sa nangyayaring eksena, paulit-ulit lang naman yan eh, ewan ko ba, basta naiinis ako kay Terrence, mahangin kasi eh, napaka presko at napaka pakialamero, oo matalino siya, genius nga eh pero sana naman di ba?
Haay saka bakit ba siya ganyan, mabait sa lahat? Kaiba sa mga Korean drama na napapanuod ko, yung mga bad boys na nambubully ng bidang babae, siya? Naku ngingitian niya lahat at kakawayan, feeling niya ata blessing ang ngiti niya kaya kailangang ikalat sa buong mundo.
Ewan ko rin ba kung bakit nagpapa uto ang mga yan sa ngiti ni Terrence. Kung alam lang nila kung paano siya mambully. Kung alam lang nila!
Umupo na ako sa assigned armed chair ko. Nagsipasukan na rin ang mga estudyante matapos ang eksena sa labas, kung late si Terrence mas late naman ang prof ko this time, wala na talagang matino sa mundo!
I opened my phone at doon ko nakita ang text ni Mommy. Kumunot ang noo ko and pouted pagkatapos, she reminded me about my violin class after my class today. Magpapahinga sana ako kasi medyo nananakit ang ulo ko but I have to attend that class, baka mag-away pa kami.
“Problem?” bulong ni Terrence na sobrang lapit sa mukha ko, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at ang pabango niyang naiwan na ata sa ilong ko, tinulak ko ang mukha niya saka lumayo, he chuckled “Seatmate hindi ako makatulog kagabi, hinahalikan mo ba yung mga pictures ko?” tanong niya sa akin saka hinarap ang mukha, kumurap-kurap pa siya kaya pinag-singkitan ko siya ng mata.
“Nagpapacute ka ba?” tanong ko at lumapad ang ngiti niya.
“Bakit? Effortless ba?” tanong niya kaya lalong umusok ang ilong ko, umirap ako saka inayos ang gamit “Oi congrats, nakita ko second place ka!” hinampas ko ang desk ko saka matalim na tumitig sa kanya, nanlaki ang mata niya at hindi gumalaw.
“That’s why I’m warning you, magiging first din ako!” duro ko sa kanya saka tinusok ang noo niya ng hintuturo ko, he smiled at me saka umayos ng upo.
“Then, I should start studying na pala…” rinig kong bulong niya, umirap lang ako, nilabas ko ang notes ko para sa subject na ito at agad niyang hinablot iyon, binasa niya ang mga iyon, I rolled my eyes, lahat ng lectures halos wala na siyang madatnan dahil sa pagiging late lagi.
“Paano nangyari ito?” tanong niya saka tinuro ang isang particular na topic, napalunok ako ng makita ko na yung pinakamahirap na topic iyon.
“Simple lang…” sagot ko saka sinubukang isolve iyon sa harap niya, napangiti ako ng napalabas ko naman yung sagot.
“Ooohh…” sabi niya saka tumango-tango.
“Pumasok ka kasi ng maaga!” sagot ko saka umayos ng upo dahil dumating na ang prof namin, ilang minuto na nagsimula ang prof namin ng kinuwit niya ako, inabot niya sa akin ang isang 1/8 sheet at nanlaki ang mata ko ng makita ang solution niya doon
“Direct substitution lang yan…” bulong niya at ngumisi, napatingin ako sa sinolve ko kanina, sobrang ikli ng kanya pero nakuha niya ang sagot “See. Why do it on the hard way if you know the easiest way?” nag half smile siya ng makita niyang nanigas ako at walang maisagot.
Mabilis natapos ang araw, nakakapagod maging estudyante, puro problema na kailangang solusyonan, I sighed. Malalate daw ang sundo ko dahil sa sobrang traffic kaya naupo muna ako sa isang bench sa silong ng puno, nag-aagaw na ang dilim at liwanag pero marami paring estudyanteng naglalakad, nabigla ako ng may umakbay sa akin “ANO BA?” sigaw ko sa kanya saka sabay alis ng kamay niya.
“Ito naman, parang nakikipagkaibigan lang!” he said saka nag pout, nilapag niya ang helmet niya sa pagitan namin saka tumingala at ngumiti, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ang mukha niya.
Ang kilay, ang mga mata niya, ang ilong niya at namumulang labi, kaya maraming babaeng nababaliw dito eh, kung mabait lang sana siya sa akin noon pa baka isa ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya, well hindi naman sa ayaw ko siya, naiinis lang ako sa kanya pag-minsan, ayy hindi pala, palagi! Palagi! Kasi wala na siyang alam na ibully kundi ako!
“Tapos na?” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, nakita ko ang pagngisi niya “Tapos mo na akong titigan?” tanong niya na nakangiti pa “Kung hindi pa, sabihin mo lang. Pipikit pa ako!” saka niya ako tinignan at kinindatan, naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa ginawi niya, lang hiya!
“Ang kapal ng mukha mo!” sagot ko at narinig ko ang pagtawa niya.
“Bakit ba lagi kang nakasibangot?” he asked me saka ako tinignan, umiwas ako ng tingin.
“Ako? Tsss! Lagi ka kasing nakangiti, nabwibwiset ako!” sagot ko saka nag crossed arms
“Huh? Anong problema sa pagngiti ko?” tanong niya at tinignan ko siya
“Close ba tayo?” I asked him saka inirapan “Umalis ka na nga, baka may isipin pang immoral yung mga fans mo…”
“Ahhh, okay lang yan seatmate, alam ko mga style na ganyan, yung magsusungit para mapansin ng crush…” saka tumaas-taas ang kilay niya, hinampas ko siya pero agad siyang nakatayo.
“Alam mo kung bakit ako laging nakasmile? May nakapagsabi kasi sa akin na contagious daw iyon, so meaning when you smile at someone, that someone will definitely smile too even without a reason. Tignan mo!” saka siya tumingin sa isang babaeng dumadaan, he smiled at her at parang lumipad sa alapaap yung babae, muntik pa atang madapa.
“See? Di ba masaya kung naka smile ang lahat? Why don’t you try it?”
Napaatras ang mukha ko when he bend towards me, mga ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko, kitang kita ko ang pagtitig niya sa mga mata ko, ganun din ako sa kanya.
“Why don’t you smile?” bulong niya pero rinig na rinig ko.
“Mas maganda ka kung nakangiti…” at parang nagwala ang puso ko sa huli niyang sinabi, he smiled at me saka kumaway, kinuha niya ang helmet niya saka sumakay na rin sa motor na nakapark sa di kalayuan.
Hinatid ko na lang siya ng tingin at napangiti.
ANO? NAPANGITI? I crumpled my face saka mabilis na umiling-iling.
Ako? N-Napangiti niya rin?