Chapter 10 Znela My heart was trembling, it was literally trembling and I don't know kung naririnig niya iyon. Napatitig ako sa mga nangungusap niyang mga mata, I saw how he looked at me directly in the eyes. Doon ko na naramdaman ang paghihina ng tuhod kasabay ng paggalaw ng bahagya ng kamay niya sa likod ko. "Running away from someone?" he broke the ice between us. Doon bumalik ang kaluluwa ko sa aking katawan. Ang bango niya, ang bango bango niya! "A-Ahh..." umayos ako ng tayo and tucked some of my loose hair behind my ear. "You got your hair back..." mahina niyang bulong kaya tinignan ko siya, he smiled while looking at me. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang matapos iyon. I stood one meter away from him at doon ko ulit siya narinig magsalita. "Come with me." Aya niya "Come with

