Kabanata 19: "Sigurado ka ba rito, Lisa? This is your decision, I'll respect you pero hindi ba mas maganda kung ipaalam mo muna sa ama ng anak mo?" mabagal na sabi ni Jude habang nasa loob kami ng abortion clinic. Hindi pa kami nakakauwi, nang gabi rin iyon ay kaagad akong humanap ng abortion clinic na malapit. Nakapagpalit na rin ng ako ng damit. Mali ito, mali 'yong nangyari sa amin. Kapag itinuloy ko ay masisira lahat, maayos ang buhay ni Kevin at kapag nalaman niya ay natatakot akong hindi niya matanggap. Tulala ako habang nakaupo sa hospital bed, inaasikaso na ang gagawin sa akin. Wala akong maramdaman, blanko lang. Jude held my hand. "Sure ka na ba? Pwede tayong umalis pa," sabi niya. Kanina pa siya tanong nang tanong, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko dahil alam kong isa

