WAKAS

4440 Words

WAKAS "Ma, kailangan ko ng pentel at manila paper," maingat na sabi ko kay Mama isang gabi habang naghuhugas siya ng plato, pagkatapos namin kumain ng gabihan. Malakas na bumuntonghininga si Mama kaya mas lalo akong kinabahan. "Kevin naman, anong oras na? Bakit ngayon mo lang sinabi? Wala ng bukas na tindahan nyan. Kung kailan alanganin saka magsasabi ang haba ng umaga, Yeomra Kevin." Napanguso ako nang banggitin na niya ang pangalan ko. "Ngayon lang kasi naubos, Ma. May ginagawa ako e kulang pala," pagdadahilan ko pa. Inabutan niya ako ng isang daan. "Oh, mag-bike ka na lang, gumilid ka ha? Palayo sa sasakyan baka 'yong gilid mo palapit sa sasakyan e," pangaral niya pa. Natatawang lumabas na ako ng bahay para bumili. Saan naman kaya ako bibili? Hindi naman pwedeng bukas 'to, report

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD