KABANATA 2

1937 Words
Note: From this chapter, hanggang sa ilan pang susunod na chapter ay flashback sa college. Kabanata 2 Palihim akong napamura nang makita ang sunod na tanong sa examination paper sa aking harapan. What the hell? I don't know anything about this damn question. Saan ba nila nakuha 'to? Wala naman akong natatandaan naging topic namin na ganito ah. "What is REPUBLIC ACT No. 7836?" basa ko ulit sa tanong. Nagbabakasakaling malaman ko na ang sagot kapag binasa ulit, pero wala pa rin. Ano kasi 'yon? Nabasa ko ba 'to kagabi? Nakakainis! Mas lalo akong nainis nang bahagya kong inilibot ang paningin sa buong kwarto. Lahat ng kaklase ko ay parang daling-dali sa exam namin. Ni hindi nila inaangat ang paningin nila. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan Lisa! You can do it! Muli kong binaba ang tingin ko sa aking papel. Nasa number thirty six pa lang ako at sampong minuto na lang ay tapos na ang oras namin. "Eeny, meeny, miny, moe," I murmured while taping the letters on the choices. I looked at my right side when I heard a soft chuckled. Natatawang nagsasagot si Kevin, para bang may nakakatawa siyang nabasa doon sa kanyang papel. Napairap ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin paniguradong narinig niya ang panghuhula ko. Nakakainis naman kasi, bakit ba ang rupok ko sa phone? Imbes na magreview kahapon ay inubos ko ang aking oras sa pakikipag-landian kung kanino man. Oh, crap that word, hindi landian, nakikipag-usap lang pala. Ngayon ako nagsisisi. Pumikit ako saglit para isipin ang lahat ng napag-aralan namin pero lalo lang ako kinabahan dahil ang iba kong kaklase ay nagsitayuan na upang ipasa ang papel. Mas lalo akong nataranta. Hindi ako pwedeng bumagsak, finals na namin ngayon. Malaki ang mahahatak sa grade ko kung bumagsak ako rito. Kinagat ko ang ibabang labi para mag-concentrate, naka-dalawang items pa lang ako pero wala na akong maisip. "Beb." Napalingon ako kay Kevin nang tawagin niya ako. Pa-simpile ko siyang sinulyapan, mukhang tapos na siya. Tinapik niya ang kanyang papel gamit ang dulo ng ballpen, para bang pinapahiwatig niyang tutulungan niya ako. My lips protrude because of his gesture. I slowly shook my head. Nakaka-akit ang alok niya pero ayoko naman mangopya. Gusto kong makapasa ako dahil sa paghihirap ko pero kung pipilitin niya ako... e baka... baka pwede naman? Habang pilit kong sinasagutan ang mga natirang limang tanong ay nahulog ang ballpen ni Kevin at saktong papalapit iyon sa akin. Tingnan mo 'tong bakla na 'to, tapos mamaya magrereklamo bakit laging sira ang ballpen. From the corner of my eye I saw him stand to his seat to pick up his ballpen. Napatigil ako sa pagsagot dahil sa paglingon niya sa aking papel, mabagal na yumuko siya upang damputin ang ballpen. "BDCBB..." Kumunot ang noo ko dahil sa bulong niya, animong dinasalan pa ako ako bumalik sa upuan. Ano raw? Sagot ba 'yon? Gano'n niya kabilis nakita kung nasaan numero na ako. "Pass your paper forward." Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ng Professor namin. Kaagad kong binilugan ang mga letrang sinabi ni Kevin. NANG mag-uwian ay latang-lata akong lumabas sa classroom. Gano'n pala iyon? Kapag pakiramdam mong babagsak ka ay nakakapanlata. Parang gusto ko na lang maging bulbol. Tamang kulot lang, tamang singit sa underwear. Napatuwid lang ako ng tayo nang akbayan ako ni Kevin, pagod na inangat ko ang tingin sa aking kaibigan. "Anyare bakla?" Napanguso ako sa bungad na tanong niya. Malalim ang boses niya, siguro dahil nagbibinata. Ayon nga lang ang puso ata'y nagdadalaga. Sinong mag-aakalang naging matalik na kaibigan ko pa siya pagkatapos ng sumbat ko sa kanya ay pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. He's actually so positive, like even I'm so negative, I'm so sad he can light it up. Hindi ko rin alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na lagi na siyang kasama at kausap sa school noon hanggang ngayon. Noong una ay hindi pa rin ako makapaniwalang pusong mamon siya. Paano ba naman kasi, sa unang tingin ay hindi mo naman talaga mahahalata. Ngayon second year college na kami ay medyo lumalabas na ang tunay na balat niya. Naaalala ko pa noong unang buwan na magkaklase kami, sa classroom ay hindi pa rin niya pinapahalata pero habang tumatagal ay bumibigay na siya, parang wala rin naman sa mga kaklase namin iyon. Ayon nga lang, hanggang loob ng klase lang iyon dahil wala naman daw siyang kabit-bahay doon. Kapag nasa labas ay behave pa rin siya. Mahirap na daw baka putulan siya ng buntot sa harap ng kanyang ama. We are like the same, I can't be myself infront of my family. "Hindi ko alam ang mga sagot sa tanong." Bumuntong-hininga ako. Naglalakad kami sa field papunta sa labas para umuwi. "Paano mo malalaman e alas-dos na ata kagabi ay online ka pa, sino ka-chat mo ha?" akusa niya. Pabirong inirapan ko siya. "E bakit mo nalaman? Edi madaling araw rin ay online ka pa?" Hindi siya sumagot bahagya kong sinulyapan ang kamay niyang malayang naka-akbay sa akin dahil mas matangkad siya. Mahaba ang daliri niya't maninipis, parang babae. "Where's Alice?" tanong ko pagkaliko namin sa isang gusali. Si Alice ay isang kaklase namin na naka-close na rin namin. Medyo may sariling mundo nga lang talaga. "I don't know, Beb. Gutom na gutom na ako, daan tayo sa chichawan ha?" Sasagot pa sana ako nang may humarang sa dadaanan namin dalawa, dali-dali kong tinanggal ang pagkaka-akbay ni Kevin sa akin para harapin ang lalaki. "Hi, Lisa," bati ni Reymark. "Hello, Reymark, uwian niyo na rin?" pabebeng usal ko sabay hawi ng buhok sa tainga. Nakita kong sinundan niya ang buhok ko bago ngumisi, gwapo si Reymark. Matangkad at medyo moreno. Pwede na. As far as I remember, he's part of varsity. "Buti at nakita kita, hindi ka na nagreply kagabi e," maangas na aniya. Alright, I like badboys. Gusto ko kasi 'yong mga tigasin at lalambot lang pagdating sa akin. "Ah nakatulog kasi ako at-" "Lisa Lyndel, Let's go, I'm starving," bulong ni Kevin sa likod ko. Ingeterang bakla! "Aha, may lakad ata kayo ng-" pinutol ko ang sasabihin ni Reymark. "Kaibigan ko, ah hehe may lakad kasi kami. Chat na lang tayo ha?" Maayos naman na pumayag si Reymark at hinayaan akong hilahin ni Kevin papunta sa labas ng school. Inis na inagaw ko ang braso ko sa intrimiditang bakla. "Ano ba naman Kevin? Nagmamadali? Natatae ka na ba?" Natatawang usal ko. Inismidan niya ako. "Hellew, Reymerk. Hehe Chet ne leng teye he?" panggagaya niya sinabi mo kanina pero mas inartehan niya kaya humagalpak ako ng tawa. "Hoy! Hindi ganyan pagkakasabi ko ah! Siguro crush mo iyon no? Ang damot nito e." Inirapan niya ako, sasagot pa sana ako nang huminto ang kotse nila. Sabay kaming pumasok doon, nagmano ako sa Daddy ni Kevin na siyang sumusundo sa kanya. Pupunta kami ngayon sa kanila dahil birthday ng Mommy niya. "Kamusta iha?" ani ng Daddy niya habang nasa biyahe. Ngingiti-ngiti ito, malamang hanggang ngayon ay akala nila ay kasintahan ko ang bayot nilang anak. Kung alam lang nila na ang anak nila ang umuubos ng liptint ko. "Ayos naman po, Tito. Wala po pala akong nabiling regalo para kay Tita kasi po medyo naging busy po sa pagre-review hindi na po ako nakalabas kahapon," dahilan ko. Though, totoo naman na hindi ako makalabas kahapon dahil maulan at nasa bahay sila Mommy. Humalakhak ang Daddy niya. "Ayos lang iyon, Iha." Nilingin ko si Kevin na bumubulong-bulong sa gilid. "Busy sa pagrereview, baka pakikipag-chat." Pinandilatan ko siya't bahagyang siniko. Inirapan niya ulit ako. Ang arte! Nang makarating sa bahay nila ay abot-abot ang himas sa akin ng Mommy niya, ilang beses na akong nakapunta sa kanila. Karaniwan ay kapag may assignment o project kami, si Kevin ang tumutulong sa akin. Hindi ko alam bakit hinihimas-himas ako ng Mommy niya, sabi niya noon pa kasi ay gustong-gusto na niya magkaruon ng babaeng anak. Kaya natutuwa siyang pumupunta ako. Gusto ko ngang sabihin may babae naman silang anak, Kevina ang pangalan kaso baka tambangan ako ni Kevin. "Nako Iha, akala ko hindi ka darating nagluto pa naman ako ng maja." Malaking ngiti ng Mommy niya. Napangiti ako. Magbabalot talaga ako mamaya, pero hindi ko pinahalata may masamang balak ako. "Thank you po, Tita." "Wala iyon, madami itong niluto ko. Mag-uwi ka para hindi ka pagalitan ng Mama mo. Hahaha," tawa niya. Napangiwi ako. Ganon ba 'yon? Suhol? I don't think Mommy will eat maja from other house or people. Masyadong mataas ang pride niya para roon, ayaw niya ng gano'n. "My, akyat lang ako saglit magbihis lang ako." Pasimple akong napanguso dahil lalaking-lalaki ang boses ni Kevin. Ang galing. Infairness! Hanggang ngayon nakakatuwa pa rin parang sinasapian e. "Sure sige, Oh Lisa akyat muna raw kayo hehe." Nanlalaking matang napalingon ako sa Mommy niya. "Po?" "Mommy naman!" "Sige na. Maghahain muna ako, akyat muna kayo tatawagin ko na lang kayo." Bahagya pang tinulak ng Mommy niya si Kevin palabas ng kusina. Nakasimangot na umakyat si Kevin sa taas, wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na makapasok ako rito kaya ayos lang. Bakit gano'n ang Mommy niya? Parang binubugaw anak sa akin. Umupo ako sa kama habang pumasok naman sa banyo si Kevin saka ni-lock pa iyon. Akala naman nito bobosohan ko siya. Neknek niya! Tinanggal ko ang dala kong bag saka nahiga sa kama niya, napatitig ako sa kisame ng kanyang kwarto. Ilang minuto pa ay bumukas na ang banyo kaya napa-upo ulit ako. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang suot niya. Cotton black short at plain white shirt. Hmm. "Buhok ba 'yan o pugad?" tanong niya sabay nguso sa buhok ko. Kaagad kong sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay. Siguro ingget lang 'to sa buhok ko e. Pumunta si Kevin sa tukador niya sa kwarto saka sumampa sa kama, sa likod ko. Halos mapaigtad ako nang simulan niyang suklayin ang aking buhok. Pasimple akong humugot ng malalim na bumuntong-hininga dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Winaksi ko kaagad ang pakiramdam na iyon. Hindi tama! Bakit ka kumakabog ng ganyan ha heart? Ano self? Kinikilig ka kasi sinusuklayan ka niya? Wake up! Sinusuklayan ka niya kasi bakla siya, gusto niya magkaruon ng buhok katulad ng sayo. Huwag kang marupok, sisteret mo 'yan. Dumilat ako at napanguso, magaan ang kanyang kamay sa bawat hagod ng suklay. Tahimik na kinuha niya ang ponytail ko sa pulsuhan at sinimulang i-braid ang aking buhok. Nang matapos siya't lumayo ay doon pa lang ako tuluyan nakahinga ng maluwag. Sinipat-sipat pa niya ang buhok ko. Pabiro ko siyang kinurot sa braso. "Uy, nainggit ka buhok ko no?" I laughed. "Why would I? May buhok din ako. Mas mahaba lang sa'yo, pero atleast sa akin walang kuto." komento niya. "Hoy! Wala akong kuto, mema ka! May maikli rin naman akong buhok," dagdag ko pa. "Saan?" "Sa ibaba, kulot pa nga e. Try mo rin i-braid." Natatawang biro ko. Hindi siya tumawa, tumitig lang siya sa akin na para bang pino-proseso ang biro ko. Tumalikod siya at akmang lalakad ay hinawakan ko ang braso niya. Nagalit ba? "Huy, saan ka pupunta? Baba na tayo gutom na ako." Kumunot ang makapal niyang kilay. "I'll get my comb." "Huh?" "Sabi mo i-braid ko rin, kukunin ko suklay ko," seryosong wika niya. Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Weh? Gagu ata 'to. Ilang sandali kaming gano'n na nagkatitigan saka siya humalakhak. "You look constipated Beb, I'm just kidding. Come on, Mom is waiting." Akala ko naman totoo. *** Pronunciation: Lisa - Lay-sa Yeomra - Ye-om-ra
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD