Lumakad ako papunta sa kusina para icheck ang mga anak ko at ang bisitang sinasabi ni Tetay na nag punta ng ganito kaaga. Apaka aga pa para tumanggap ng bisita. Malapit pa lang ako sa bungad ng kusina naririnig ko yung mga hagikgik ng anak ko. Masayang masaya iyon kaya tuluyan na ako lumakad papasok sa loob ng kusina. Bumungad sakin na kumakain ang mga anak ko at nakikipag tawanan sa ama nila. Nanatili akong nakatayo doon habang pinanonood ko silang masayang nag uusap. I felt so much happiness in my heart seeing them together. Ganito kaya kung nung una palang nalaman na niyang may anak na kame. Ganyan din kaya siya kasaya? Ayoko naman na makita ng mga anak ko na napipilitan lang siya. Masakit sakin bilang ina na makitang nasasaktan ang anak ko lalo na’t ang lalaking mahal ko pa ang dahil

