Pagka tapos namin mag linis ng mga pinag gamitan, lumabas din kame doon at nanatili pero sa ibang table dahil may girl's talk din kame. Nag-aya din silang uminom ng kaunti dahil matagal tagal na din kameng hindi nakaka inom ng magkakasama. Tulog na ang mga anak anak nila kaya ang mga magulang ay parang nakawala sa tali. May mga tama na sila kaya ayun makukulit at maiingay na. Rinig na rinig na kung saan kame naka pwesto. Nag lapag na si Gabriela ng tatlong bote na iba't ibang klase. "Let's start." aya ko na nag stretching pa. Matagal tagal na wala kameng bonding ng mga ito. Tinatawanan pako ng mga gaga. "Hoy tanga ayusin mo na 'yan." natatawang wika ni Jeorge. "Feeling strong si Taba porket nand'yan lang si Kavien!" pang aasar ni Gab. Hayop talaga sa bibig itong si Gabriela. Hindi ko

