Bumalik na ako sa pagiging abala ko sa pagta'trabaho sa restaurant. Uuwi lang ako sa bahay para matulog. Aalis din agad sa umaga, uuwi lang sa gabi para matulog at magpahinga. Sa gano’ng routine ako nasanay kaya hindi ko gaano napapansin ang pag-lipas ng mga araw. Pero pakiramdam ko ay sa patuloy na paglipas ng mga araw ganun pa din ang tindi ng pangungulila ko sa mga anak ko. Abala din si Auntie sa kaniyang trabaho at business ngayon. Nag kikita na lang kame tuwing week ends. I have two days of rest. Ang tahimik ng buong bahay wala kasing maingay dahil dalawa lang kame minsan lang napupunta si Tetay kasi busy siya sa pag aaral niya. Madalas pa akong wala kaya si Auntie lang ang nandito. "Ang tahimik naman." sabi ko habang inililibot ko yung tingin ang paningin sa paligid. Lumakad

