Nanatili lang ako dito sa kwarto nag intay na matapos siyang maligo. Lumabas ito ng nakatapis ng kwalya sa baywang. Naka dipa ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng pintuan. Nakatingin siya sa akin at naka ngiti ng nakakaloko. “Bilisan mo na dyan nagugutom na ang mga anak natin.” utos ko sa kaniya. Nag pout siya na parang bata. “Umasa ako na susundan mo ako sa loob.” Natawa naman ako sa kaniya. “Kalokohan mo din no feeling ka din sa movie lang nagaganap yun.” naiiling kong sabi sa kaniya. “Bihis na ikaw gutom na sila doon.” Nanlaki yung mata ko ng makita kong hinawakan niya yung pagkaka buhol ng towels sa gilid ng beywang niya. He’s going to remove it. “Stop it Kavien Ross! Umagang umaga ha!” natataranta kong saway dito. Mas lalong naging maloko ang mga ngiti niya sa labi. Mah

