Masayang masaya kame ni Auntie dahil ngayon sa bahay na nakatira si Jergen at ang mga anak niya. Kahit papa’ano ay nawawala ang lungkot ko dahil may mga bata na ulit sa bahay tatlo pa ang mga ito. Laging bumibisita sila Gab dito sa bahay para makita ang triplets. Sina Kwon, Kj at Klea. Sobrang cute nila. Libang na libang si Auntie sa tatlong bata na nasa bahay ngayon. Na hirapan si Jergen na siya lang mag isa dahil tatlo ang mga iyon at ang hirap alagaan mahina pa siya kaya inalok namin siya na sa bahay na lang muna manatili. Isang bata pa nga lang ay mahirap ng alagaan paano kung tatlo pa paano papa’dedein iyon diba ang hirap. Halos buwan buwan na akong umuuwi para bisitahin ang mga bata hindi ko na kinakaya masyado silang malayo. Gusto ko na silang kunin pero agad na tumutol ang mga mag

