Special chapter

2099 Words

Magising ako ng umagang iyon ay wala na si Kavien sa aking tabi. Masyado akong pagod kaya tanghali na ako nagising. Naupo na ako at inayos ang buhok ko bago bumaba sa kama at lumakad papunta sa banyo para mag sipilyo at maghilamos. Nasaan na kaya si Kavien, malamang nasa kusina na siya at kumakain na ng agahan. Mula noon hanggang ngayon ay matakaw at malakas pa rin kumain si Kavien. Humarap ako sa salamin sa loob ng banyo. Nagtanggal ng muta sa magkabilang mata at muling inayos ang pagkaka-bun ng buhok. Ginawa ko na ang pakay ko sa banyo at umihi na din bago lumabas doon at bumaba para hanapin ang asawa ko. I think na tulog pa naman ang mga anak namin kaya mamaya ko na sila icheck. Lumakad na ako pababa sa hagdan. Tahimik sa living room malamang nasa kusina siya o di kaya nasa garage.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD