Hinayaan ko lang silang tatlo na maglaro doon sa may living room. Ganun naman sila nag lalaro ng sila sila lang. After ng breakfast ay doon ko na sila dinala. Kahit hindi naman na sila bantayan pero nakakatuwa kasing mag masdan ang nga bata. Tumabi na sa akin si Auntie. “Malapit mo na din silang makasama.” Napabaling ako ng tingin kay Auntie. “Masaya nga ako Auntie ng malaman ko yun.” “Inaantay ko yun dahil ilang taon na ang aking bunso ngayon, umedad na siya maging ako ng malayo sila sakin.” Nakakalungkot isipin na malayo sila mula sa akin.. “Pero look at you now Siren, your success.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Success na yan ay ginusto ko para lang maging maayos ang magiging buhay ng mga anak ko sa piling ko. "Nang nang!” agad akong napatingin kay Kleah

