Amoy na amoy na ang mga niluluto. Almost done na kasi ang aming mga niluluto. “Shet! Nakakagutom naman!” sabi ni Gab. “Manang pahanda na po nung table.” Abala kasi kameng lahat sa pag preparation ng mga nailuto na. “Jergen eto pwede na.” sabi ko sa kaniya. Kumilos naman siya agad at inayos na niya. Ako naman ay iniligpit yung mga ibang pinag lutuan ko. Nakakahiya naman kasi sa mga kasama sa bahay nila Gab ang daming hugasin. “Serve niyo na yan doon.” utos ko. Parang mag handaan sa dameng food na nakahanda. “Una na nating pakain ang mga bagets after na nila tsaka na tayo kumain.” sabi ni Jeorge. Nagdala na ako mga baso at pitchel na may lamang tubig. Naka pwesto na sila. “Nanay!” tawag ni Kai. Nilapitan ko na siya. “Si kuya mo na muna bahala sayo may aasikasuhin lang si nana

