Nag paalam kame kay Auntie dahil umalis ang mga magulang ko dahil may aasikasuhin daw ang mga ito. “Saan kayo pupunta?” tanong niya. “Lala mag mall kame ni nanay dahil bored dito.” Naiiling naman si Auntie sa sinabi ni Dekdek sa kaniya. “Yang mga anak mo mana sayo napaka gala. Sabihin ba namang boring dito sa bahay.” Na gulat naman si Dekdek sa inasal ni Auntie na iyon. Kaya agad siyang lumapit kay Auntie upang yakapin. “Lala kasi naman po si mommy la at daddy lo ayaw kameng laging nag mall kasi daw bata pa daw kame, binata na kame ako then Kai is old ba na din.” Pangangatwiran pa nito kay Auntie. “Okay then tell to your mommy la and daddy lo about it.” Ngumuso pa ito. “They will be mad.” Na tawa ako dahil takot siya sa mga ito. Mahal na mahal din kasi sila ng mga magulang ko.

