Kinakabahan ako ng sobra habang palapit na ng palapit ang paglabas niya. Sabi ng mommy wag daw ako matakot dahil kayang kaya ko daw iyon. Pero hindi ko maiwasan hindi matakot. Para sa baby ko ay lalakasan ko ang loob ko upang mailabas siya ng normal at makita niya ang magandang mundo sa labas ng sinapupunan ko. Upang makita ko din kung gaano kaganda ang regalong ibinigay sakin ng panginoon. Every Sunday nagpupunta kame sa church with the family. I always pray to god na madeliver ko siya ng maayos at ligtas na walang mangyari samin dalawa ng anak ko. Ang panganganak daw ay parang ang isa mong paa ay nasa hukay dahil sa hirap at delikado ito ang panganganak. Kaya dapat magdasal para gabayan ng panginoon. Alam kong magiging safe kame ng baby ko. Even Kavien, I pray for him na maayos lang

