Pareho lang kameng nakatitig sa isa’t isa.. para bang nag tatanong gamit ang pagtitig. Hindi ko naman mabasa ang sinasabi ng mga mata niya. Masyado akong nadadala sa matang iyon. Alam kong doon niya ako nakuha. “Siren..” tawag niya saking pangalan pero hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang pag titig sa akin. “Bakit hindi mo sinabi na may asawa kana at anak.” What? Anong pinagsasabi niya? Asawa? Anak meron dalawa yung isa ikaw pa ang ama. Hindi ko alam kung papaano sasagutin ang sinabi niya kahit hindi naman iyon tanong. Dinala niya lang ako dito para itanong ang bagay na iyon? Dahil ba ito sa nakita niyang mag kasama kame ni Logan at Dekdek ay naiisip niyang may asawa na ako? Kung ano lang ang masusunod at siya lang naman gusto kong maging asawa. Noon pa man siya lang ang gusto kong

