Nakatitig lang ako sa kaniya na nakatayo saking harapan. Gano’n din siya sakin nakatingin lang mula ng kumalas siya sa pagyakap sakin. Gustong gusyo ko siyang tanungin kung bakit siya nandito. Yung puso ko naman ay hindi na tumigil sa pag t***k ng mabilis at malakas. Masyadong ma’emosyon ang nararamdaman ko. “Ano na mag titigan na lang ba kayo?” bulalas ni Auntie. Kaya na baling sa kaniya ang tingin ko at ni Kavien. “Sa tingin ko ay aalis na ako, Kav ikaw na bahala sa kaniya kahit wag mo na iuwi graduate naman na yan.” seryosong sabi ni Auntie. “Biro lang pala baka pagalitan ako ng ama niyan basta mag ingat kayo.” Ano ba ang sinasabi ni Auntie hindi ko siya maintindihan. Lumapit sakin si Auntie at yumakap. “Congratulations! Wala akong maisip ng regalo kaya eto na lang enjoy the celebrat

