Pag pasok ko sa loob ng bahay ay sinilip ko pa din si Kavien na papaalis pa lang. Makaalis siya ay lumakad ako papunta sa library ni Daddy. It’s time to know everything. Hindi ako patatahimikin ng aking isip hanggat hindi ko nalalaman ang katotohanan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nag lalakad patungo sa library ng daddy. Makarating ako sa tapat ng pintuan tumigil ako doon at nanatili ng sandali huminga ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. “Come in.” rinig kong sabi ni Daddy mula sa loob. Dahan dahan kong pinihit yung door knob at ganun din ang pag tulak nito papabukas. Oras na para bukasan ang pintuan sa nakaraan na pilit isinara kahit hindi dapat. I need to know everything and I deserve to know. Bakas sa mukha nito ang gulat ng makita ako. Why dad? Tanging tanong

