Chapter 16 Eunice’s POV Nagpatuloy ang pagtuturo sa kay Dail. Hindi nadin nagsuplado ito. Nakita ko sakanyang nag-eenjoy na sya. Syempre, pinaghandaan ko kasi talaga itong ituturo ko sakanya. Iyong bang hindi sya mababagot. Nakikipag apiran narin sya sa akin. Tinanong ko rin kung saan sya labis na nahihirapan kaya mas doon ako nag-focus. Inamin nyang hirap sya sa Filipino. At I understand him. Kasi siguradong eversince lagi silang nage-englisan dito sa bahay nila. Nang magpahinga kami sandali ay sinamantala ko na ang pagkakataon upang matanong dito sa bata kung nasaan ang magulang nila. Pangalawang punta ko na kasi dito pero wala pa din akong nakikitang magulang nila. "Nasaan ang mga parents nyo Dail?" "They're in other country." Parang wala lang sakanya dahil patuloy sya sa paglanta

