Chapter 30 Eunice's POV Dinala lang ako kagabi ni Matthew sa isang cafe..At usual nag-kwentuhan lang kami but this time kasama namin ang ka-banda nya. Tinupad nya nga iyong sinabi nya dati na papakilala nya ang mag 'to sa akin. At wala naman akong masabi sakanila. They are all nice and very friendly. Kinabukasan ay napag-desisyonan ko ng pumasok sa school. At syempre dahil sa nangyari sa amin ni Paolo noong nakaraan ay pinili kong maging malamig sakanya. Hindi ko naman inalis na avid fan parin nya ako at kabuuan ng grupo nya. Ngunit mas pinili ko ito. Madalas ko syang nahuhuli na nakatitig sa akin na para bang may gustong sabihin na ewan. Pero hindi ko na iyon pinagtutu-tuusan ng pansin. At ganun din sa mga sumunod pa na araw..Hindi ko parin sya iniimikan.. P.E class namin ngayon,

