Chapter 12 Eunice's POV Dumating na ang araw ng unang araw namin bilang isang estudyante ng Westpoint Academy. Masyadong ngang napa-aga ang pag-gising ko dahil sa sobrang excitement. Hindi talaga ako makapaniwala na makakapasok ako sa school na 'yon. Never in my life naman na sumagi sa isipan ko na makapag-aral sa kahit saang private school. Kinuha ko phone ko para itext sana si Angela. Ngunit ang loka mas nauna pa syang nag-text sa akin. Halatang sobrang excited. Napagdesisyonan ko ng maligo pagkatapos kong mag-reply. Tumitig ako sa salamin ng aming banyo. Pinagmasdan ko ang aking sarili. I kinda feel pressured kasi kailangan kong mag-ayos kahit papaano. Hindi ako pwedeng mag mukhang busabos sa papasukan ko ng bagong school. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong halos puro m

