Nagising ako dahil sa tumutulong tubig sa aking mga kamay, nagdilat ako ng mga mata at si Tanya na umiiyak habang nakayuko at hawak-hawak ang kamay ko. "Hoy, gaga, di pa ako patay", Ani ko dito. Nag-angat naman siya ng tingin at tiningnan ako. "I know everything, Meda, Kuya Matt told me", tugon nito at umiyak na naman. "Kung alam ko lang, hindi kasi nila ako ininform noon na may relasyon pala sila", Bulalas nito."Kaya pala noon, nakita ko silang naghahalikan sa Park noong namasyal kami, kaya pala hindi sila nag-iimikan noong pumunta kami sa bahay nila para tingnan ka, kaya pala", She said. Tumayo ako at agad naman niya akong inalalayan. "Your baby, hindi niya deserve ang ganto, kailangan may gawin tayo para mapagbayaran nila ang ginawa nila", She said. "I'll sue Vera", Tugon ko at p

