Maswerte pa pala ‘ko noong miyembro ako ng Eagle’s Claw Empire. Inalagaan ako ni Zavier kahit hindi naman kailangan, lalo na noong bago pa lang ako. Sa kabila ng mga hirap na naranasan ko, hindi niya ‘ko pinabayaan. Hindi niya hinayaang maguluhan ako sa mga nangyayari dahil bukod sa kanya, nariyan ang mga assigned trainers o ‘di kaya sina Wowee at Eddie para sa ‘kin. Ngayong nasa Red Hand Society ako, pakiramdam ko nasa hukay ang isang paa ko. Para bang isang pagkakamali ko lang, kamatayan na ang kahahantungan. Ngayon ay mas ramdam kong nasa mundo ako ng mafia. Mabigat at halos bilang ang hakbang ko nang muling maglakad sa mahabang hallway. Napatitig ako sa sahig habang sinusubukang iproseso ang lahat – ang impormasyon tungkol sa Red Hand Society at ang misteryong bumabalot sa babaeng

