“Good morning, Maya. I’m Camila, your language and etiquette instructor.” E-ti-ket? Narinig ko rin kanina ang salitang ito kay Eddie. Pinagdikit ko ang labi ko dahil muntik na ‘kong matawa. Parang wala naman kasing ganitong salita. “Why? Is there any problem?” tanong tuloy ni Camila, halatang nagtataka sa naging reaksyon ko. Ang gusto niya, purong Ingles lang kami mag-usap para raw mahasa ang pagsasalita ko ng Ingles. Tuloy ay dahil hindi ko maisip kung paano itatanong sa kanya ang tungkol sa etiket, umiling na lang ako at ngumisi. “Alright. So, how are you?” Nakangiting tanong niya ulit. Kinabahan naman ako kahit kung tutuusin ay simple lang ang tanong niya. Nag-aalangan man ay sinubukan ko pa ring sagutin siya sa abot ng makakaya ko. “Good morning, Camila! I am happy, thank you. I a

