Hindi namin kasabay umuwi si Andeng. Pero pinasamahan namin siya kina Wowee at Eddie dahil sa kabila ng hindi pagkakaunawaan, ayaw kong malagay siya sa panganib. Delikado kasi lalo na ngayong hindi namin alam kung ano ang sunod na hakbang ni Pietro. Ang huling balita ng mga tauhan ni Zavier ay naihatid nila ang kapatid ko sa penthouse. May security din naman doon na lalong pinagtibay kaya kahit papaano ay kampante ako sa kanyang lagay. Pagkatapos ng mga nangyari, ang gusto ko lang gawin ay magpahinga pag-uwi namin sa bahay ni Zavier. Naisakatuparan naman ito ngunit nagising ako mula sa mababaw ng pagkatulog nang maramdaman ko ang bakanteng espasyo sa tabi ko. Animo naalimpungatan, dumilat ako at nakitang wala sa tabi ko si Zavier. May kaba sa dibdib ko kaya kahit pwedeng nasa ibang parte

