Parang huminto ang mundo ko. Nanlalabo ang paningin ko, at ang malamig na tiles sa ilalim ko ay nagmistulang damo. Para akong bumalik sa gubat. Pagtingala, nakita ko si Elena—hindi, si Vera. Duguan ang damit niya. Napasinghap ako. Napapikit nang mariin sabay yuko, pilit na itinataboy ang imahe sa isipan ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa rin ang matinding takot na bumalot sa buong pagkatao ko. “Ms. Maya!” Sa isang iglap, bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses nina Wowee at Eddie. Parang kidlat, mabilis nila ‘kong tinulungang tumayo. Naramdaman ko ang suporta nila sa magkabilang braso pero hindi ko napigilan ang sarili kong hanapin si Zavier. Binalik ko ang tingin sa direksyon kung saan ko siya huling nakita, kaya lang nadismaya ako dahil wala siya rito. Huminga ako n

