“Go home first,” mababa at mariin ang boses ni Zavier. Kita sa mga mata niya ang matinding pagnanais na protektahan ako. Pagkatapos ng nangyari sa party, ayaw na niya akong pabalikin pa rito kahit tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon. Kaya nga idiniretso na nila ako sa labas ng hotel, animo itinatakas mula sa sariling engagement party. Hindi na hinintay pa ni Zavier ang pagsang-ayon ko. Binuksan niya ang pinto ng back seat at dito ako pinasakay ng kotse. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib, nanatiling tikom ang bibig ko nang sundin ang kanyang utos. Ngunit bago pa man niya isarado ang pinto, mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Ayaw ko pang umalis. Gusto kitang samahan. Gusto kong tumulong. Pero makakatulong ba talaga ako o makakagulo lang sa kanila? Kung hindi nila pinakinggan ang simp

