Pinaghirapan ko kung nasaan ako ngayon. Hindi naging madali ang mga training ko araw-araw. Pero ginawa ko lahat para lang maging parte ng mundo ni Zavier. Kaya bakit kailangan ko pa siyang kalabanin ngayon? Tama siya. Nakalimot ako. Nakalimutan ko kung sino talaga siya dahil lang sa kabaitang pinakita niya sa ‘kin – dahil may nangyari sa ‘min. Bukod pa rito, nakalimutan ko rin kung sino ako. Nakalimutan kong pinulot lang niya ‘ko sa kalsada at posibleng ibalik dito kung hindi ako aayon sa kanya. Nakahanda ba akong itapon lahat ng mga pinaghirapan ko para lang malaman ang katotohanan? O susundin ko ang gusto ni Zavier at tatalikuran na ito maging ang nakaraan ko? Paglabas ng bahay ni Zavier, hindi ko na nakita pa ang motor ko. Kaya wala akong nagawa kung hindi gamitin ang sasakyang i

